Ang ending nagchismisan nalang kami ni Pauline dun sa coffee shop. Around six ay lumipat kami sa kalapit na restaurant para kumain. After that we went home na kasi I have lots to sort out pa. Maghahanap pa ako ng kompanyang tatanggap sa akin. Sabi ni Paulita magtatanong din daw siya sa parents nya kung may mga kakilala ang mga ito na pwedeng tumanggap sa akin.
"At nandito na ang pasaway." Pagkapasok na pagkapasok ko ay iyon ang agad na sumalubong sa akin. Si kuya Harvey at kuya Nate nasa may sala sila at mukhang hinihintay ako.
"Ano nanaman tong kalokohang ginagawa mo, Daphne?" Napahilot na ng sentido si kuya Nate.
"Anong pinagsasasabi nyong dalawa? Pwede ba, diretsuhin nyo na ako. I'm not a manghuhula kaya." Tanong ko. I'm tired na and want to sleep, tapos hinaharang nila ako dito.
"Dad went home upset. Tinawagan mo daw mga ninong at ninang natin na sa kanila ka mag-oojt. What are you even thinking? Di ba nga ikaw tong nagpumulit na sa kompanya magtetraining, and now you're doing this behind our backs? Just because Winston and Celline got engaged, pati mga prior commitments mo hindi mo na pinaninindigan!" Sermon ni kuya Harvey.
"Kailangan ba na laging si Winston at Celline ang rason sa mga desisyon ko sa buhay?" Sagot ko kay kuya Harvey.
"Hey, watch it! Mas matanda pa rin si Celline sayo, and you should respect her!" Hindi pinalampas ni kuya Harvey ang pag-alis ko ng honorifics kay Celline.
"I don't know. The last time I check, ang turo ninyo sa akin, respect begets respect. Karesperespeto ba ang ginawa ng Celline na yun sa akin?" I crossed my arms.
"You─" Kita kong gusto akong sugurin ni kuya Harvey, pero pinigilan siya ni kuya Nate.
"Baby princess," Simula ng dumating si Celline ay ngayon lang ulit ako tinawag na baby princess ni kuya Nate. That's his endearment to me simula nung mga bata palang kami. He promised me that I'll always be his baby princess kahit na anong mangyari, but suddenly, he stops calling me that days after Celline got here. "I know you're upset because of what happened. But it's done. Wala na tayong magagawa pa doon. All I ask you is to be more patient and understanding. Someday, you'll find a better man." He gently stroked my head. "For now, what Harvey said is true. You already had commitments at the company. Ano nalang ang iisipin ng mga tao if that's how you handle pressure and unexpected circumstances. You are the Castellano heiress. Tandaan mo yan." Nang marinig ko ang masusuyong salita ni kuya Nate ay parang lumambot ang puso ko. I know I shouldn't dahil marami rin itong ginawa na nakasakit sa damdamin ko. In my first life he neglected, and treated me like a burden. Posible kayang magbago pa siya? Tutal hindi pa naman nangyayari yung mga ginawa niya sa akin eh.
"Alright." Tanging nasagot ko nalang.
"I know I can count on you, baby princess ko. Come here. Let me hug you." Niyakap nga ako ni kuya Nate at feeling ko ay maiiyak ako.
Kuya Harvey scoffed at the back, na agad namang sinaway ni kuya Nate.
"I'll rest na kuya." Kay kuya Nate lang ako nagpaalam, at pagkatapos ay umakyat na sa kwarto ko.
After I changed into my pajamas ay medyo naguluhan na tuloy ako sa dapat kong gawin. Should I continue my OJT at our company at mag-isip nalang ng paraan para hindi magawa ni Celline yung mga ginawa niya in my first life?
Inulit ko sa isipan ko ang mga sinabi ni kuya Nate kanina. It really touched me and made me so happy. Maybe he didn't mean to slap me din. Siguro kapag naging magkakampi ulit kami ni kuya Nate ay hindi na magagawa ni Celline yung mga ginawa niya.
At dahil naguilty ako sa mga pagsagot ko ng pabalang kay kuya Nate nitong nagdaang dalawang araw ay lumabas ako ng kwarto and went to the kitchen to make him a cup of coffee. Pinerpekto ko talaga according to his preference para matuwa ito.
After that I went to his study na kasi for sure magpupuyat nanaman yun sa mga paper works na hindi niya natapos. Nang malapit na ako ay napansin kong hindi niya naisara ng maayos ang pinto ng study. Perfect kasi para hindi ko na kailangang kumatok at medyo mabigat itong tray dahil sinamahan ko na rin ng cookies at mixed nuts para meron siyang maipares sa coffee niya.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay napahinto ako kasi rinig ko na parang may kausap siya. Maybe it's an important phone call and I don't want to interrupt him. Kaya hihintayin ko nalang na matapos.
"Yes, make sure to reject her when she calls your company by tomorrow. Hindi pwedeng sa ibang kompanya mag-OJT si Daphne. Celline is pregnant and might need her assistance, so she needs to stay at the Castellano." Kamuntik ko ng mabitiwan ang hawak ng marinig ko ang sinabing iyon ni kuya Nate.
Rinig ko ang pagbaba nito sa telepono pagkatapos nun. Pagkatapos ay may tinawagan nanaman agad siya, and he also said the same thing sa kausap nya.
"Don't worry, ako na ang bahala sa iba bukas. I'll make sure to blacklisted her in the whole city, at sa mga karatig na lugar para masigurong walang tatanggap sa pasaway na yan." Lalo akong nanlumo sa narinig na sinabing iyon ni kuya Harvey.
They would go to such lengths just for Celline?
So pagpapanggap lang pala ang mga sinabi at ginawa ni kuya Nate kanina?
Bumalik ako sa kwarto ko without confronting them. Para saan pa? For sure ipipilit pa din nila ang gusto nila kahit magalit pa ako.
I need to think. Paano ko tatakasan ngayon to kung ipapablacklist nila ako bukas?
Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Ang sakit, parang kinagat ng dinosaur ang puso ko. I felt so betrayed at walang kakampi rito sa mansion. And their attitude would only get worst. Ang tanga ko nalang talaga at naniwala ako kay kuya Nate kanina.
Habang umiiyak ay napatingin ako sa picture namin ni mama sa bedside table. Kung nabubuhay pa sana ito ay hindi ito papayag sa mga ginagawa sa akin ngayon nila papa at kuya. They promised on her death bed na aalagaan nila ako, and would always put me first, but only six years since mama died ay nakalimutan na nila ang pangako nilang iyon.
Napatitig ako sa picture frame, at nakita ko na may crack na pala ang gilid ng frame nito. Kinuha ko iyon at inalis ang picture namin ni mama, para bukas maalala ko na bumili ng bago.
Itatago ko sana ang picture sa drawer para hindi masira kaso nabitawan ko iyon, at nang pulutin ko ay napansin ko na may nakasulat sa likuran ng picture. I've never seen it before kaya agad kong binasa. Nanlaki ang mga mata ko because it's my mama's hand writing.
'My baby, I love you so much. Hindi ko alam kung gaano katagal bago mo ito mababasa, pero kapag nabasa mo ay pwede bang humingi si mama ng favor sayo? Pwede mo bang bisitahin ang lolo mo? Pwede mo ba akong ihingi ng tawad sa kanya kasi naging pasaway akong anak? Can you tell your lolo that I love him so much, at sana ay mapatawad na niya ako? Thank you, baby ko. Mama loves you so much.'