"Oh, bat natahimik ka? Don't tell me you forgot about it?" Kinakaway ni Pauline ang kamay niya to get my attention.
"Beshy, pwede pa ba akong magchange ng company na pag-oojt-han?" Tanong ko.
"Ha? Magpapalit ka?" Tanong nya rin.
Tumango naman ako.
"Well girl, wala namang nakalagay sa memo na hindi ka pwedeng magpalit ng company, kaya nga dapat you have at least 3 choices di ba? Ang nakalagay lang dun that everyone must strictly follow is yung date na binigay nila. Dapat sa record mo, nagstart ka sa araw na yun or else hindi magiging counted ang OJT mo." Paliwanag ng bestie ko. "Teka nga muna! Bakit ka naman magpapalit last minute? Eh di ba nga in favor para sayo na sa company ka ng papa mo mag-ojt?" Tanong nya.
"Umm, kasi—" Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na alam ko kung anong mangyayari sa akin kapag nag-ojt ako sa kompanya ni papa. I'll definitely sound like a person out of her mind kapag sinabi ko na I got reborn. Na second life ko na to. That Celline murdered me in my first life, and magically eto ako now, bumalik 6 years bago nangyari yung pagpatay sa akin ni Celline. "You know... Dahil sa mga nangyayari lately sa bahay. Baka pahirapan nila ako dun. Magkasama kaya kami ni ate Celline na mag-oojt sa company ni papa. Eh di ba nga galit silang lahat sa akin?" Pagpapalusot ko.
"Oh my god, girl!" Nanlaki ang mga mata ni Pauline. "You're right! So ano na ang plano mo?" Buti nalang at paniwalang-paniwala ito.
"I'll look for another company nalang. I'll ask some of my papa's friends to hire me. Marami sa kanila mga ninong at ninang ko, kaya for sure hindi ako mahihirapang makahanap ng pag-oojt-han." Wala rin naman akong ibang choice. In my previous life, sari-saring pang-iinsulto at panunukso ang nakuha ko mula sa mga kaklase at schoolmates ko nang malaman nilang hindi ako makakagraduate. Celline stole all the credits of my hard work, at pinagkalat pa nito na nag-sitting pretty lang ako dahil anak ako ng may-ari ng kompanya. Nakipagsabwatan pa ito sa mga kaklase namin na kasama naming nag-ojt na gatungan ang mga pinapakalat niya, and she will secure a position for them sa Castellano Realty. Wala akong balak na danasin ulit yun.
"Mabuti pa nga, besh. Ugh, hindi talaga maganda ang vibes ko sa Celline na yan the first time I saw her. See? In our group of friends, tayo nalang dalawa ang standing strong. Yung circle natin, kaplastikan nalang natin ngayon." Pauline dramatically rolled her eyes.
"It's okay. Kahit agawin rin niya lahat ng mga kaibigan ko, I know hindi ka niya maaagaw sa akin. Ikaw lang sapat na, beshy." Sagot ko.
"Period!" Maarte nitong sabi. "So, wag na tayong pumunta ng bar later. Let's just spend the afternoon sorting out your problem." Dagdag nya pa.
Tulad ng sabi ng bestie ko, buong maghapon kaming nasa coffee shop. We started listing the companies na pagmamay-ari ng mga ninong at ninang ko. Sorted out yung mga pasok sa skills and knowledge ko, then after nun, I started calling them one by one.
Pero one by one, they also turned me down.
"What? Wala pa rin?" Tanong ni Pauline after kong ibaba ang tawag.
"Yeah." Dismayado kong sagot.
Pang siyam na yun si ninang Claudia na tumanggi sa akin. Una, papayag sila, tapos tatawagan lang daw nila ako ulit. After a few minutes, tatawag sila ulit sa akin saying they can't hire me for OJT kasi puno na daw at kung ano ano pang excuses.
Tatawagan ko na sana yung ikasampu sa listahan ko. Ninong ko na nasa real estate din ang negosyo, but my phone suddenly lit up and started ringing. Nakaflash sa screen ang pangalan ni papa.
He doesn't usually calls me when I'm out with friends. Bakit kaya ito tumatawag?
"Si papa. Sagutin ko lang." Paalam ko kay Pauline, at nagthumbs up lang siya. "Yes, papa?" Walang gana kong sagot. Malapit ng mag-5PM and I still have four people to call.
"What in the world is your problem, Daphne!" Nagtaas kaagad ito ng boses.
Kumunot naman ang noo ko because I have no idea what he's so mad about. "If this is about my room, pwede ba papa, there are plenty of rooms in the mansion. Bakit ba pinag-iinitan ng Celline na yan ang kwarto ko!" Inis kong sagot.
"This isn't about the room! Tumawag sa akin ang mga ninong at ninang mo. Why are you asking them na sa kompanya nila mag-OJT? Are you that desperate to make me look bad on other people ha? Hindi ka pa ba nakontento sa ginawa mo noong nakaraang gabi sa restaurant?" Sermon nito. He's really mad kasi hindi niya napansin na inalis ko na ang pagtawag ng ate kay Celline.
Oh so that's what happened. Kaya pala lahat sila tinanggihan ako because they are calling my father to check first.
"No, you got it wrong, papa. Naisip ko lang na mas maggogrow ako kapag sa iba ako nag-OJT. I've been working in the company since high school during summer breaks, and I just thought I can learn more outside of Castellano Realty. Pwede ko ding maapply sa kompanya ang matututunan ko sa iba." Pagpapalusot ko.
"There's no need for that! You are going to do your training at our company. End of discussion." He hang up after saying that.
"Parang galit na galit si tito Manuel ah." Agad na sabi ni Pauline pagkababa ko ng phone ko.
"He learned about my plan. Tumatawag pala sa kanya mga ninong at ninang ko." Maiksing paliwanag ko.
"Oh my gosh! So pano na yan?" Tanong nito.
"Sa inyo nalang kaya ako mag-OJT?" Kahit puro kalokohan lang kaming dalawa ni Pauline, may matatapos naman siguro kaming trabaho kapag magkasama.
"Loka, eh sa Thailand ako mag-OOJT. And agriculture ang sa akin. Anong gagawin mo dun magsasaka? Manghuhuli ng snails? Like girl, ako pa nga lang tumataas na ang malahibo just thinking about it. Ikaw pa kaya, eh ang arte mo." Umiiling na sabi ni Pauline.
"Wow, grabe sya sa akin. I'm not maarte kaya." Depensa ko.
"I'm not maarte kaya!" Exaggerated na gaya ni Pauline sa sinabi ko. "Tusukin ko mata mo eh! Sinong niloko mo girl!" Tumawa ito ng malakas.
"Grabe sya sa akin oh." Patampo kong sabi.
"Bakit, totoo naman di ba?" Panunukso pa din nito.