Nagising akong ngalay na ngalay ang aking buong katawan at para bang lalagnatin ako .Ng maimulat ko ang aking mga mata ,nagulat ako dahil nakasalampak lamang ako ng pagkakaupo sa baba ng kama at bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.Marahil nakatulugan ko na ang pagiyak kagabi at di ko na nagawang ayusin ang aking sarili.Mabilis na namang dumaloy ang aking mga luha at hindi ko mapigilan iyon.
Pumasok ako ng banyo upang maligo.Nang makita ko ang aking hitsura sa harap ng salamin awang awa ako sa sarili ,sunod sunod na pasa ang nasa aking katawan dala siguro ng mahigpit na pagkakahawak at marahas na pag angkin ni Leonil sakin .May sugat din ang aking dalawang utong.Tumapat ako sa shower at ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking p********e .Maging ang aking buong katawan ay ramdam ko hapdi doon.Wala akong magawa kundi isabay sa agos ng tubig ang aking mga luha.
Nagising akong wala na ang aking asawa at di ko na nakita ang anino kahit nung matapos ako maligo marahil ay kagaya ng nakagawian niya ng mahigit isang buwan ay umalis na ito at pumasok na opisina ng hindi nagpapaalam sa akin.
Wala akong lakas ng loob lumabas ng kwarto dahil masama ang aking pakiramdam.Hindi ko din kaya magpakita sa aking mga anak sa ganitong kalagayan lalo na kay Thania dahil magtatanong lang siya at hindi ko alam kung paano siya sasagutin.Walang basta basta nakakapasok sa aming kwarto dahil nagagalit si Leonil kapag may ibang pumapasok dito lalo na kung si Thania pa iyon.Dala ng sobrang bigat ng aking katawan ay di na ako nag abala silipin ang dalawang bata dahil alam ko di naman sila pababayaan ng mga kasambahay namin.
Uminom ako ng gamot at pagkatapos ay nahiga sa kama.Gusto Kong magpahinga kahit kaunti dahil pagdating ng aking asawa mamaya hindi ko na Naman alam kung ano ang aking mararanasan.
Napahaba yata ang aking tulog .Hindi ko alam kung anong oras na .Mabilis akong bumangon ng maalaala ko ang dalawang bata.Kaagad kong pinuntahan si Anzon at naabutan kong mahimbing itong natutulog.Binigyan ko ng halik ang napakaamong mukha nito.Namiss ko agad sila at hindi ako sanay na hindi sila agad pupuntahan pagkagising.Medyo nakonsensya ako dahil inuna ko pa ang magpahinga kaysa sa kanilang dalawa .
Bumukas ang kwarto ni Anzon at pumasok doon si Yaya Susan.Medyo nagulat pa siya ng makita ako
" Lindsey , andito ka na pala.Kamusta ka?Anong nangyari sa iyo?Bakit ngayon ka lang lumabas?"Sunod sunod na tanong ni Yaya.
Hindi ko alam kung paano sasagutin si Yaya.Mabait si Yaya sakin at ayaw Kong makita niya kung anong ginagawa sakin ng asawa ko dahil ayaw Kong kaawaan niya ako o ng kahit na sino kaya hanggat maari kailangan malakas ako sa harap nila.
Sa halip na sagutin ko ang tanong niya.Hinanap ko na lang si Thania.
"Ahmm Yaya si Thania po?"Hindi agad makasagot si yaya at ramdam ko ang kaba base sa kaniyang kilos.
Sa halip hintayin ko ang sagot ni Yaya ay dumeretso ako sa kwarto ni Thania habang nakasunod sakin si Yaya . Hindi ko alam kung ano ang nais niyang sabihin dahil sa halos mautal utal na siya.
"Ano ....ano kasi Lindsey....Si....si...". Hindi niya pa din maituloy ang kaniyang sasabihin hanggang sa narating namin ang kwarto ni Thania.
"Yaya ,,bakit nakalock ang kwarto ni Thania?"halos pasigaw na ako kay Yaya .
"Si Sir Leonil po kasi nilock.P-pinagalitan niya kanina si Thania at napagbuhatan pa ng kamay .Wag daw po namin bubuksan ,hayaan daw po namin na Ikaw Ang magbukas ."Kinakabahan paliwanag niya.
Mabilis kong tinakbo ang lagayan ng susi at nanginginig akong binuksan ko ang kwarto ng aking anak.
Halos madurog ang aking puso sa nakita kong kalagayan ng aking anak.Mabilis ko itong nilapitan sa kama.Nakahiga siya at kita ko panginginig ng buo niyang katawan .Sinalat ko ang kaniyang noo at sobrang init .Mataas ang lagnat ni Thania.
"Yaya!!Bat niyo naman pinabayaan ang anak ko??"Umiiyak at pagalit Kong sigaw kay Yaya.
"Lindsey, iha....natakot ako kay Sir Leonil...Pinagbantaan niya kami ni Manang Betty mo na tatanggalin sa trabaho."Halos maiyak iyak na paliwanag ni Yaya sabay talikod at lumabas na ng kwarto.
Tumayo ako at kumuha ng palanggana at basang towel.Pinunasan ko ang aking anak para bumaba ang init ng kaniyang katawan .Maya maya pa ay pumasok na muli si yaya .May dalang mainit na sabaw at gamot para sa lagnat.
"Mommy!!!Mommy!!!may monster!!!!"Umiiyak na sigaw ni Thania sabay balikwas ng bangon.Malamang ay nanaginip siya ng masama o nagdedeliryo na siya dahil sa lagnat.
"Shhhh...Thania baby...Mommy is here ..Walang monster....Dito lang si Mommy..."Umiiyak kong pagaalo sa anak ko.Niyakap ko siya ng mahigpit.Awang awa ako sa anak ko.
"Baby,open your mouth ..Humigop ka ng mainit ng sabaw at pagkatapos ay painumin kita ng gamot."Sumubo naman siya ng tatlong subo at umayaw na din . Hindi ko na napilit dahil ayaw na ayaw siya kaya pinainom ko na ng gamot.Pagkatapos mapainom ng gamot ay nilagyan ko siya ng makapal na medyas at jacket .Kinumutan ko na din siya ng comforter at hinayaan ko lang siyang makatulog.Patuloy pa din ako sa pag-iyak habang pinagmamasdan ko ang aking anak.Nakita ko din ang isang pasa sa may braso niya.
"Yaya, ilang oras na tong nakakulong sa kwarto?"baling ko kay Yaya habang nililigpit ang pinagkainan ni Thania.
"Si-siguro mga 6 na oras na ..Umalis si sir ng 7am .Mag aalauna na ngayon."
"For God sake Yaya ...Natiis niyo yung bata..Limang taon pa lang si Lindsey at hindi niya dapat nararanasan ang ganito.Ibig sabihin hindi pa siya kumain simula kaninang umaga."Umiiyak kong maktol sa kaniya.Gusto kong magwala..Gusto kong sugudin si Leonil para ipakita sa kaniya ang naging kalagayan ng anak ko pero alam ko baliwala lang din yun sa kaniya dahil hindi naman niya tunay na anak si Thania.Hindi ko alam kung bakit ipinaranas niya pa kay Thania ang magkaroon ng isang ama kung hindi din naman niya kayang panindigan.
"Sorry na iha..Talagang nadala lang din ako sa takot kay Sir."Umiiyak na ding sagot ni Yaya.Alam kong sumusunod lang din sa yaya sa amo niya.Bakas ko sa kaniya ang pagsisisi at pagkaawa sa anak ko kaya hindi ko din siya lubos na masisisi.
"Sige na po Yaya.Pasensya na po.Lumabas na muna kayo ,Kayo na po muna bahala kay Anzon.Bantayan ko lang po si Thania."utos ko kay Yaya.
Niyakap ko muli ang anak ko para makaramdam siya ng init dahil patuloy pa din siya sa panginginig.Umiiyak pa din ako at hindi ko talaga mapigilan ang mga luha kong kusang bumabagsak.Ayos lang akong magdusa sa kamay ng aking asawa.Kaya kong tiisin ang pasakit mula sa kaniya..Pero to the point na idamay niya si Thania,hindi ko kaya ..Ikakamatay ko kapag nasaktan at may nangyaring masama alinman sa kanila ni Anzon.Limang taon pa lang si Thania at naranasan niya ang ganitong trauma sa kamay pa ng taong akala ko ay mabuti ang hangarin.Sa taong akala ko ay tunay at buong pagmamahal ang kayang ibigay.Sobrang pinipiga ang aking puso.Inalagaan ko ng maayos at kailanman hindi ko pinaramdam kay Thania ang kakulangan ng ama tapos ganito ang masaklap na mararanasan niya .Nilagnat ang anak ko dahil sa takot .Siguro sobrang takot na takot siya kay Leonil dahil napagbuhatan siya ng kamay at ikinulong pa sa kwarto kaya nilagnat.Parehas Kasi kami ng anak ko.Nung maliit pa ako pag daw natatakot ako ay nilalagnat din.
Nakatulugan ko ng kayakap ang aking anak.Nagising lamang ako dahil may mumunting kamay na humahaplos sa aking pisnge.
"Oh Thania baby..kamusta ka??ok ka na ba?May masakit pa sa iyo??"Sunod sunod na tanong ko sa anak sabay salat ng kaniyang noo..
"Medyo ok na po ako mommy.Wag mo po ako iiwan mommy."Umiiyak niyang sabi sa akin.
"Shhhh .. di ka iiwan ni mommy.Dito lang si Mommy."
Bumukas ang pinto at pumasok si Yaya na may dalang pagkain at gamot.Pinakain at pinainom ko muli ng gamot si Thania.Ala siyete na pala ng gabi at napahaba din pala ang tulog namin.Hindi pa din daw dumadating si Leonil .Sigurado akong di pa yun uuwi dahil kapag may nagagawa siyang malaking kasalanan ay hindi muna magpapakita ng dalawa hanggang tatlong araw.Tapos pagbalik ganoon na ulit,inamoy halimaw sa sama ng ugali.
Pagkatapos ko mapakain at mapainom ng gamot si Thania ay pinuntahan ko naman si Anzon para tingnan kung ok lang kalagayan nito.
Nung makita kung ok naman siya at busy pa sa paglalaro ay nakahinga ako ng maluwag.Mahigit isang taon pa lang si Anzon at wala pa siyang kamuwang muwang sa mga nangyayari di kagaya ni Thania na naiintindihan na niya ang nangyayari sa paligid.