Chapter 9

1046 Words
Iyon ang masakit na eksena na nangyari sa bahay at nagpagising sa aking diwa para umuwi muna sa aking mga magulang.Hindi ko kaya na nasasaktan si Thania.Halos inabot din ng dalawang buwan ang pananatili at pagtitiis ko kay Leonil.Naaawa talaga ako kay Thania dahil siya ang pinakaapektado dito lalo na pag harap harapan ni Leonil na ipinapakita ang lubos na pagmamahal niya kay Anzon na totoong anak .Alam ko at ramdam ko nararamdaman ng anak ko ang kaunting selos kahit alam niya na di niya totoong daddy si Leonil.Ayaw Kong matrauma ang aking anak kaya hanggat maaari ay ilalayo ko na siya kay Leonil. "Lindsey anak kamusta?Handa ka na ba para sa nalalapit na paghaharap niyo sa Korte ng asawa mo?"tanong ni mama. "Di ko po alam ma.Kinakabahan po ako.Paano kapag natalo ako?" "Anak,panghawakan mo ang pagmamahal mo para sa mga anak mo.Hindi sila dapat magkahiwalay dalawang magkapatid." Bagaman may takot at pangamba sa puso kailangan paghandaan ko ang paghaharap namin ng asawa ko.Di ko kakayanin kung may mawala isa man sa kanila.Si Anzon napakabata pa para mawalay sa isang ina.Di ko yata maaatim na mapapalayo at makukuha sakin si Anzon.Dinala ko siya sa aking sinapupunan ng 9 na buwan at ramdam ko ang naging hirap at sakit bago ko siya maipanganak .At sa tuwing makikita ko ang aking munting anghel na si Anzon ay gumagaan at nawawala ang aking pagod kaya hindi ko yata kaya ang Hindi ko siya makakasama. Papunta ako ngayon kay Atty .Wilson para pagusapan ang aming kaso..Malapit na ako sa opisina nito ng marinig ko ang message tone ng aking cellphone.Huminto ako saglit upang tingnan iyon. Mensahe galing kay Leonil. "May pinadala akong mga larawan sa messenger mo.Matibay na ebidensya para mabawi ko sa iyo si Anzon ." Kinabahan ako agad dahil sa mensahe nito.Inopen ko ang messenger ko at nagpop up ang mensahe ni Leonil. Binuksan ko ang mga larawan .Litrato iyon kasama ko si Thania at ang totoong daddy nito.Mahigpit na nakayakap si Thania sa daddy nito at ako naman ay nakayakap din sa mag-ama.Meron ding photo na kumakain kaming tatlo sa isang restaurant at mukhang masayang masaya kami.Sa isa pang larawan ay nasa isa kaming bahay na tila ba isang pamilya kami kung titingnan. Nanlaki ang aking mga mata sa nakitang larawan at sobrang pangamba ang idinulot nito sa aking dibdib .Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganitong larawan si Leonil.Hindi edited ang mga larawan at alam kong totoong totoo ito. Sa halip na magpatuloy sa opisina ni Atty . William ay bumaling na ako pauwi ng aming bahay .Takang taka si mama dahil ang bilis ko daw nakauwi.Kung nakausap ko na ba daw si Atty. Di ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa sama ng loob kay Leonil na pati ba naman yoong mga larawan na iyon ay gagamitin niya pa para lang masira ako at maipanalo niya ang laban. Nagaalala si mama sa pag-iyak ko kaya pinakita ko sa kaniya ang mga larawan.Nagulat din siya at inalam niya sakin kung totoo ba daw iyon.Umamin akong nangyari ang mga nasa larawan at ipinaliwanag ko ang kwento ng bawat isang larawang iyon. Inalo ako ni mama at sinabi niyang ipagpatuloy ko pa din daw ang laban kahit magiging malakas na ebidensya daw ang larawan na iyon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang ituloy.Napapagod na ako sa kakaoverthink na paano pag natalo ako. Kinahapunan ay tumawag sa akin si Atty. Wilson at tinatanong bakit hindi ako nakarating sa kaniyang opisina.Sinabi ko na lamang na wag na lamang muna namin pagusapan ang kaso at tatawag na lang ako once ready na ako dito. Kinagabihan ng masigurado ko na tulog na ang aking mga anak.Kinausap ko si mama at si papa ng masinsinan. "Mama Papa , pwede ko po ba kayo makausap.?"Sabi ko sa kanila habang dala dala ko ang tasa ng kape na aking tinimpla. Umupo ako sa sofa katapat ng sofa na kinauupuan nila mama at papa.Pinatay muna ni Papa ang TV bago bumaling sa akin. "Anong kailangan nating pagusapan anak?"tanong ni Papa. "Hindi ko na po itutuloy ang laban kay Leonil."Sabi ko sabay simsim sa kapeng aking tinimpla. Nagulat sina mama at papa kaya hinihintay nila ang paliwanag ko . "Natatakot po ako na baka mawala ng tuluyan sakin si Anzon.Babalik na lamang po ako kami kay Leonil." "Anak, naririnig mo ba ang sinasabi mo?Alam mo kung ano ang pinagdaanan ni Thania dahil diyan sa asawa mo.Kaya mo ba talaga tiisin na makita mong muli sa ganoong kalagayan si Thania."Paliwanag ni mama na bakas na bakas ang disappointment sa mukha. "Mama Papa hi-hindi po.Di ko na hahayaang masaktan at maapi pa ni Leonil si Thania.Kaya nga po gusto ko kayo makausap dahil iiwan ko siya dito sa inyo."Paliwanag ko sa kanila. "Pero paano ka ?Matitiis mo ba ang muling pananakit niya sayo?"tanong ni mama. "Ok lang po ako.Siguro po kapag hindi na niya nakikita si Thania ay hindi na niya ako sasaktan." "Kaya mong mawalay sayo si Thania anak?"baling naman sakin ni Papa. "Mas di ko po kakayanin na makita na magkakatrauma si Thania kapag kasama ko siya sa bahay ng asawa ko .Dito alam ko mas pipiliin niyang tumira.Alam ko hindi siya sasama sakin pagbalik doon sa mansion.Maraming takot sa puso ng batang iyon at alam ko mas nanaisin niya na kasama kayong totoong pamilya na magmamahal sa kaniya.Matalino ang aking anak alam ko maiintindihan niya ang magiging set up na ito."mahabang lintanya ko sa kanila. "Sige anak kung iyan ang napagdisisyunan mo.Basta dumalaw ka dito at bisitahin mo Thania."Sabi ni mama. "Lindsey anak kung sakali na saktan ka muli ng asawa mo .Wag Kang matatakot tumawag dito at susunduin ka muli namin."Bilin ni Papa "Salamat po Mama at Papa."Nagpapasalamat ako sa pamilya ko dahil sa suportang binibigay nila sakin.Hindi ko kakayanin ang mga pagsubok sa buhay kung wala silang nakaagapay sa akin. Tumayo ako at pumasok sa kwarto.Pagbalik ko ay bitbit ko ang mga susi at 2 passbook .Iniabot ko iyon kay mama at ipinaliwanag ko sa kaniya kung para saan iyon.Kailangan Kong masecure ang kinabukasan ng anak ko.Hindi ako sigurado kung anong kakahinatnan ng pagbalik ko sa asawa ko.Basta ang alam ko hindi ko pwede isuko si Anzon sa kanila.Alam Kong nasa mabuti ng kalagayan si Thania sa piling ng aking mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD