Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago namin tuluyang iniwan sina mama ,papa at ang aking pinakamamahal na si Thania.Ipinaliwanag ko sa anak ko na kailangan kong bumalik sa mansyon dahil kung hindi mawawala samin si Anzon.Ipinaliwanag ko iyon ng maigi sa kaniya at alam Kong naintindihan niya.Napakasakit na mawawalay ako kay Thania pero ang isipin na hindi mapapabuti ang kaniyang kalagayan kung isasama ko ay mas lalong masakit iyon para sa akin. Nakakandong sakin si Anzon at mahimbing na natutulog habang nasa byahe kami pabalik sa mansyon.Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang naghihintay samin doon.Alam ko safe ang aking anak na si Anzon doon dahil mahal na mahal ito ni Leonil .Doon ako nangangamba sa kalbaryo aking kakaharapin .May isang parte sa aking isip

