Mahimbing na natutulog si Claire nang lumapag ang private chopper ni Christian sa isla. Masiglang siyang sinalubong ni Ninay. Agad namang ngumiti si Christian sa kanya. May kasama itong isang may edad na babae, at isang lalaki na kasing edad ni Kuya Howell niya. Ipinakilala sa kanya ang mga ito. Nalaman niyang governess ang babae at lalaki naman ay personal na piloto ni Kuya Christian niya. "Ah, siya nga pala nakahanda na ba ang mga gamit mo? Huwag kang mag-alala nabanggit sa akin ni Claire na umatake ang sea sickness mo. Kaya ipahahatid kita kay Draco sa inyo." "Yes, Kuya, nakahanda na po. Kaya lang, pwede po bang mamaya na ako aalis. Nais ko sanang magpaalam kay Claire ng personal." Christian smiled sweetly. "Of course, you can do that. Habang hinihintay mo na magising siya. Come

