Limang araw na ang nakalipas, at hindi pa din sila nagkakausap ni Ninay. Sa mga araw na iyon ay laging mainit ang ulo ni Angelo. Lagi na lang niyang nasisigawan si Badeth at mga trabahador niya sa plantasyon. "What wrong with you?" tanong ni Radha sa kanya. "Nang isang araw ka pa ganyan ha?" Nasapo niya ang kanyang mukha. "Don't ask me, dahil hindi ko din alam. I am not myself lately... " "Dahil ba doon sa write up? O dahil sa pagiging cover photo nila ni Emer at Candy sa isang magazine?" "The hell I care! Kahit maging centerfold pa sila, wala akong pakialaman." "So, why are you sulking and in beast mode?" "It's Niña. She's ignoring me. I can't even reached her. Tama ba iyon, girlfriend mo pero hindi mo alam kung boyfriend ang turing sa 'yo?" Pinagmamasdan siyang maigi ni Radha b

