Napanganga na lang Ninay nang pakiusapan siya ni Christian na huwag munang umuwi dahil kailangan niyang samahan si Claire sa Isla ng binata. "Sabado pa ako makakauwi, Ninay. So please, samahan mo muna siya. Mas mapapanatag ang aking isipan kapag alam kong may kasama siya." "Pero Kuya, hindi pa ako nakapagpaalam kay Itay ng maayos, tapos heto na naman tayo. Baka mapagalitan na talaga ni Itay nito." "Please, pagbigyan mo na ako. Alam mo iyon kung bakit 'di ba? Ako na ang bahalang magpaalam sa kay Tata Vicente," sabi ni Christian sa kanya. "Ako na po, Kuya. Baka mas lalo magalit si Itay sa akin." "Salamat, Ninay. Hindi kasi ako mapapanatag 'pag walang kasama si Claire. Hindi naman lihim sa 'yo na hindi na siya umiinom ng ano mang gamot. Ang inaalala ko'y baka may mangyaring mas sa kanya

