Napangiti si Ysmael habang pinagmamasdan ang tatlong magkaibigan na masayang naghahabolan sa may pool. "Si Anyang ba iyan?" usisa ng babaeng katabi niya. Tumango lang si Ysmael, at mabilis na hinapit ang beywang ng babae. "Dito ka muna. Ipagpaluluto ko lang sila." "Balik ka kaagad ha," sabi ng babae, at ngumiti. "Bakit kasi ayaw mong magpakita sa kay Anyang? Mabait ang batang iyon Hindi naman siya kukuntra sa atin." "Ayokong magsakapalaran," saad sabi nito, at hinalikan sa pisngi si Ysmael. "Sige na, asikasuhin mo na sila." Walang nagawa si Ysmael kundi ang tumalima. Bumaba siya ng balkonahe saka dumiretso sa niyugan para mamitas ng buko. Habang sina Ninay, Alona at Ranne ay nagpasyang itigil ang kanilang paghahabolan, at maligo na lamang sa pool. Hinubad nila ang kanilang mga

