Nang malaman nilang tatlo na nasa labas ang kanilang mga amo ay mabilis pa sa alas kwatro silang nagbihis. "Bilisan ninyo please! Kailangan makaalis tayo dito agad," nakangusong sabi ni Alona. "Ayaw kong nakaharap at makausap si Boss. Hindi pa ako ready!" "Ano ba talaga ang dahilan bakit tinakasan mo iyang boss mo?" usisa ni Ninay, habang pinagmamasdan nang maigi ang mukha ng kaibigan. "May ginawa ba sa 'yo na 'di kanais-nais?" Sumimangot si Alona. "Basta! 'wag na nga kayong magtanong." May papadyak-padyak pa ng paa si Alona na nalalaman. "Kung ako sa inyo kausapin ninyo na lang." untag ni Ysmael sa kanila. "Hindi magandang tinatakas ang isang tao. Kung ayaw mo sa isang tao, 'di tuwiran mong sabihin nang 'di na siya umasa't maghabol pa." "Kay daling sabihin, Kuya Ysmael. Ngunit hi

