Nasa may kusina sila ng mansyon, at nagluluto. Umulan nang malakas kaya hindi na nila itinuloy ang pag-ihaw sa kanilang nabingwit na mga isda. Nagkasya na lang sila sa eskabeche na tilapia at pritong dalagang bukid. Nang matapos na nilang maluto ay inaayos na nila ang hapag-kainan. "Ranne, ano kaya ko kung tawagin mo na si Kuya Ysmael nang makapaghapunan na tayo," udyok ni Ninay sa kaibigan. Akmang tatawagin na sana ni Ranne si Ysmael nang bigla itong sumulpot ng kusina. Napamura si Ninay at Alona nang mapagsino ang kasama ni Ysmael. "Kuya naman, bakit mo sila pinapasok dito?" mabilis na sabi ni Ranne habang hila-hila ang kanyang pinsan patungong salas. Pinanlakihan niya ng mata ang tatlo. "Sino nagsabi na pwede kayo diyan sa kusina ha? Alis kayo diyan, dito muna kayo sa salas. Baka

