True to his word, hindi nga siya ginambala pa ni Angelo. Wala siyang mensahe o tawag man lang na natatanggap mula sa binata nitong nakaraang mga araw. Ngunit ngayon heto siya sa labas ng bahay, nagpapalamok sa paghihintay. Nagbabasakaling biglang sumulpot ang binata. Hindi niya subalit parang nais niyang masilayan ang maamong mukha ng binata. "Hay, hindi ba't ito ang gusto mo? Ang hindi ka niya gambalahin?" supalpal sa kanya ng munting tinig sa kanyang isipan. "Aminin mo na kasi na-miss mo 'yong tao. You missed him, 'di ba, Niña Louise?" Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga, habang itinuon ang kanyang mga mata sa kalangitan. Masama ba kung sakaling aminin niya na subrang miss niya ang binata? Kabawasan ba sa kanya kung siya ang unang magparamdam? Alam niyang hindi siya mahal

