Agad na napangiti si Claire ng makita siyang pababa ng kotse. "Sorry kung late ako," paumanhin niyang wika sa kaibigan. "May asungot kasi na dumating sa bahay." Napahalakhak na lang si Claire nang matanto kung sino ang sinasabi niyang asungot. "Mabuti naman, at pinayagan ka ni niyang pumunta dito," wika ng kaibigan, at binalingan si Amante. "Thank you, Amante. Sa uulitin. Bumalik ka na sa Tagaytay. Si Hugo na ang maghahatid sa amin sa Hacienda Basque." Ngumiti si Amante. "Walang ano man, Lady Claire. Call me once your arrive." "We'll do that. Goodbye," sabi ni Claire, at bumaling ito sa kanya ng tingin. "Are you afraid of heights?" Napakunot ang kanyang noo. "Medyo." "Nakasakay ka ng chopper?" tanong ni Claire sa kanya. Umilag siya. "Ni eroplano nga, hindi ko naranasang sumakay,

