Maaga siyang gumising, para magluto sana pero bigla niyang naalala na katabi niya si Angelo kaya napalingon siya sa kanyang tabi. Her heart skips a beat or two when she saw nothing is lying next to her. Ilang ulit niyang kinuskos ang kanyang mata ngunit walang Angelo siyang nakita. Nasaan na ba iyon? Umalis na? Nainis siya. Tarantado iyon ah, hindi man siya ginising ng loko at nagpaalam. Pinilit niyang bumangon at tumayo mula sa kama. Kailangan niyang kumilos na din, at may pupuntahan pa pala sila ni Claire ngayon araw. Bakit nga ba muntikan niya ng makalimutan na may lakad pala sila? Tumawag kahapon si Kuya Christian niya, at ibinilin na kung pwedeng samahan niya si Claire, at kung maari ay doon na siya muna matulog. Napangiti siya ng wala sa oras. Hindi man aminin ni Kuya Chris

