Chapter 12

1674 Words

PAGKATAPOS nilang sabihin ang sitwasyon ni Benjamen sa ama ay nakiusap si Vicente kay Angelo na iwanan muna sila ni Ninay dahil may pag-uusapan sila. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ni Ninay nang makita ang dismayadong mukha ng ama. Alam niya na galit ito, at pinipigilan lang ang saliri na 'wag siyang pagalitan. Nagpakawala si Vicente ng isang marahas na hininga bago siya tinignan. "Tapatin mo nga ako, Anak? Ano ba talaga ang nangyari sa kapatid mo? Bakit kailangan niyang manatili sa hospital?" tanong nito, at pinagmasdan siya nang maigi. "Huwag na huwag lang magsinungaling, Ninay!" "Aah... Itay, lagi kasing sumasakit ang tagiliran ni Totoy. At nitong mga nagdaang araw ay nagiging madalas na. Nababahala ako kaya nang alokin ako ni Sir Angelo na ipakunsulta siya ay hindi na ako nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD