Yamot na nilingon ni Ninay ang pintuan ng silid ng kapatid nang magbukas na naman ito sa ika-siyam na beses. Itinaas niya ang kanyang kilay nang mamukhaan ang dalawang nurse na kanina pa pabalik-balik sa pagtingin kay Benjamin. Napailing na lang siya. Alam niya na hindi si Benjamin ang tinitignan ng mga nurse kundi ang lalaking nakaupo sa may gilid ng kama ng kapatid. "Check lang po namin ang bp niya, Ma'am," sabi ng isa sa nurse, at tinignan ang bp ng kapatid. Wala sa hulog na tinitigan niya ang mga ito nang inayos ang kamay ng kapatid. Nahuli niyang panay ang sulyap ng dalawa nurse sa kay Angelo, ngunit ang mokong ay dead to the world lang. Mukhang sanay na sanay yata ito sa mga attention na itinatapon sa kanya. Not that she can blame them, kapansin-pansin naman kasi ang kagwapuh

