Hindi maipaliwanag ni Ninay ang saya na kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ng dating kasintahan ni Angelo na nagngingitngit sa galit. "Magkano ba ang binayad ni Angelo sa 'yo ha? Ang masarap niya bang katawan ha?" Pilyang tinignan ni Ninay si Candy, bago tinignan si Angelo nang para bang hindi ito makapaniwala na ang klase ni Candy ang napili. "Bakit ka ganyan makatingin ha? Nang-iinsulto ka ba?" Hindi tuloy mapigilan ni Ninay na ngumiti. "Naiinsulto ka na ba? Alam mo binihisan ka na lahat-lahat ay hindi pa din matatago na sa squatters ka din pinulot ni Angelo. Amoy na amoy ko ang lansa mo. Itago mo na ha. Huwag kang magalit sa kauri mo. Huwag ka ding gamahan, at matutong makuntento. May asawa ka na nga, hinahabol mo pa rin si Angelo. Ano palagay mo sa boyfriend ko, extra rice?

