Kabanata 5
Kaiya
“Homey!” I just heard Gael. “Sinong may gusto ng ice cream?”
Takbo naman agad si Jeid palabas ng bahay. Ang bata talagang `yan. Marinig lang si Gael nae-excite na agad.
“`Pa, kailan ang flight mo?” Tanong ko kay Papa.
“Sa Monday, Bakit?” Sagot niya sabay tingin sa akin. “Ihahatid mo ako? o sasama ka?”
“Ihahatid lang. Malapit na ang workshop ng Persona e. I can’t miss that chance.”
“Tapusin mo naman this time, Hija. Nung nakaraan inayawan mo ang workshop dahil naiinis ka sa naglecture. Konting sikap naman `Nak.”
“Hello guys!” Bati sa amin ni Gael. “Oh Yael, anong ginagawa mo dito?”
“Bumibisita lang.” Sagot naman nitong katabi ko.
Isinama ko na rin siya dito. Siya kasi ang nag-alaga kay Jeid habang may rehearsals ako. Buti nga at nand`on siya hindi ako gaanong nahirapan kay Jeid.
“Ah sinong may sakit?” Nilapag ni Gael ang ice cream. “Sinong binibisita mo?”
Nagjo-joke lang ba to o seryoso na?
“Tara na nga do`n sa kusina.” Hila sa kanya ni Roxie. “Tito bibili kami ng alak. Anong gusto niyong pulutan?”
“Huwag ka nang mag-abala Roxie. Kaninang umaga pa nakabili ng alak `yang si Gael.” Tatawa-tawang sagot ni Papa. Itong mga `to plinano yata nila talaga ang mag-inuman. Baka despidida na rin ni Papa. Hindi man lang kami sinabihan. We could have order more foods.
--
Iniwan ko muna sina Papa at Yael para tumulong kay Ate. Iniaayos niya na ang dining table.
“Need help?”
“Family dinner to. Bakit nandito si Yael?” Angsungit ni Ate magtanong. Dinaig niya si Mama mag-interrogate. Dati wala naman siyang pakialam kung sino ang bisita ko.
“Inalagaan ni Yael si Jeid kanina. Pasasalamat na rin ah.”
“Hot issue na naman kayo.”
“I’m used to it.” Sagot ko pagkalapag ng baso. “E bakit nandito si Roxie? Sinong nag-invite sa kanya?”
“Si Gael. Tingnan mo mamaya babagyo na dito.”
Hindi gaya ng hula ni Ate, Roxie and Gael were just listeners. Nagkukwento kasi si Papa kung paano naging sila ni Mama.
“She was the only woman I loved that much.” Papa always have those smiles whenever he talks about Mama. Though, they separated she didn’t enter a relationship. Sapat na daw kami ni Ate na pagtuonan niya ng pagmamahal at attention.
“Bakit kayo naghiwalay, Tito?” tanong ni Yael. “If you don’t mind?”
“Feelings faded.” Kaswal na sagot ni Papa. “We got married at a young age because I got her pregnant. But that doesn’t mean mistake si Jewel. We really love each other. But time change everything.”
“As in nung nag-fade `yong love hindi na kayo nag-attempt ibalik ang spark?” Roxie curiously asked. “`Di ba? `kasi nagiging companionship na lang talaga ang relasyon kapag tumagal. So normal lang na mawala `yong kilig.”
“Pero hindi lang kilig ang nawala sa amin. Ganun talaga. The good thing is we managed to be good parents to these two. Co-parenting these ladies is a headache. Alam niyo ba `yon?” Baling niya sa amin ni Ate. “Pumuti ang buhok ko sa inyo.”
“Baka pwede pang subukan. Love is sweeter the second time around.” Dagdag ni Yael.
Nangiti lang si papa. “Believe me. We tried. But wala e. It’s better off this way.”
Wala nang pakialam sa mundo sina Roxie at Gael na tuloy lang sa pagkain. Naunang natapos si Gael na tumayo agad.
“Papz, Ihahanda ko na ang sala ha? Tulungan mo ako Ico.”
“Tanga. Patapusin mo muna akong kumain. Mauna ka na d`on.” Sagot ni Roxie na hindi pa tapos sa pagkain niya. Naglagay pa ng kanin. “Kaiya, angsarap magluto ni Jewel.”
“Oh nagdi-daydream ka na naman. Bilisan mo nang kumain. Mamaya maisuka mo pa lahat `yan.” Pumunta na sa sala si Gael.
These two found sisters with each other. Magkontrahan man sila nang paulit-ulit di nila maipagkakaila na nagiging magkapatid na ang turingan nila.
“Kanin mo pa?” Alok ko kay Roxie.
”Okay na. Thanks.” Tumayo na siya matapos magpunas ng bibig. “Tito tulungan ko muna si Anastacio.”
Nagtinginan kami ni Ate. “Anong problema ng mga `yon?”
Nagkibit-balikat siya. “Malay.”
“Hayaan niyo na muna. Hindi ba’t ngayon lang sila nagkasundo?” Natatawang sagot ni Papa. “First time na hindi nagbangayan ang dalawang ampon ko ha. Ha ha ha!”
We gathered in the living room for some drinks.
“Lakas mo magyaya ng inuman tapos kornik ang pulutan?” Pang-aasar ni Roxie kay Gael. “Magbitaw ka naman ng pera. Huwag kuripot! Ha ha ha!”
“Mas masarap to `no. Kontra high blood pa `di ba, Paps?”
Natutuwa `tong si Papa sa dalawang `to. Hayan tatawa-tawa lang habang nagbubukas ng maiinom. These two got his trust too kaya mas madalas niya silang imbitahan.
“I’ll be staying longer in Australia,” said Papa. ”Kayong dalawa huwag niyong pababayaan `tong mga anak ko ha? Lalo na `tong si Kaiya. Do you get me, Roxie?”
Napakamot si Roxie sa batok. “Walang problema, Tito. Magkano pala sweldo ko? Ha ha. Wala nang libre ngayon ah!”
Ang babaeng `to talaga hindi na namimili ng joni-joketime. Napansin ko ang pananahimik ni Yael.
“Are you okay?”
He nodded. I guess he felt out of place.
“Naku Yael. Hindi pwede ang tatahi-tahimik dito.” Inabutan siya ni Papa ng alak. “Lalo kapag nandito ang dalawang `to.”
“Sorry Tito…”
“Sir!” Sabay na sabat nina Gael at Roxie. “Unang pasyal mo pa lang ditto, Tito na ang tawag mo? Asan ang hustisya?” That’s Gael bullying him. “So bale mga 19 visits pa saka pwede na yang Tito.”
Si Papa hindi man lang kinontra ang dalawa. Same with ate Jewel. Pinagkakaisahan yata nila ang bisita ko. Mas natahimik tuloy.
Nakakarami na rin sila. Pero mas marami ang nainom ni Yael. Gael and Papa keeps on giving him a bottle every after he finishes one.
“Papa baka gumapang na siya pauwi.” Saway ni Ate Jewel.
“No. Kaya ko pa.” Tipsy na rin si Yael ayaw lang siguro niyang magpatalo sa dalawang bully. “Give me another drink, Sir.”
Umiiling na ako kay Papa pero binigyan pa niya. “`Pa naman…”
“Kaya niya `yan. Parang hindi lalaki. Tingnan mo `tong dalawa oh.” Tukoy niya kay Roxie at Gael. “Marami na rin silang nainom. Nagrereklamo ba sila?”
“Hindi!” nag-high five pa ang dalawa e.
God! Si Ate napapangiti lang. “Pigilan mo na man `tong asawa mo, Ate.”
She raises her hands like surrendering to an authority. “Sorry sissy. Alam mong hindi papipigil ang dalawang `yan.”
Napasandal na lang ako sa sofa. Angpula-pula na ng mukha ni Yael at parang pinipilit na lang niyang uminom.
“Ano Briones, kaya pa?” Tapik ni Gael sa balikat niya. “May isa pa oh…”
Nang akmang iaabot na niya ito ay si Roxie ang kumuha. “Lasing na `yan. Baka magsuka pa. Ikaw maglilinis.”
“Kaiya, pumanhik ka na.” Utos ni papa.
“Bakit? Paano `yan?” Tukoy ko kay Yael na lasing na.
“Kami nang bahala dito. Sige na pumanhik na kayo.”
Karga-karga ni Ate si Jeid. “We better follow the captain’s order”
I stayed in her room for some time while she’s putting Jeid to sleep again.
“What are they up to?”
“Hindi ko alam. Kilala mo naman si Papa. Masekreto `yon.”
Dumapa ako at pumikit. Sinusuklay ni Ate ang buhok ko. “So how’s my sister doing?”
“Ok lang. Less projects. Excited na ako sa Workshop ng Persona.” Tumunghay ako sa kanya. “You think I can impress them?”
“Of course. But just enjoy every activity okay? Tita naman ni Roxie ang head ng workshop `di ba? Patulong ka na lang sa kanya.”
Napaupo ako at ipinatong ang unan sa hita ko. “Yeah. If not because of her baka ipinagsisiksikan ko pa ang sarili ko kay Yohan.”
“Kaya nga gustong-gusto siya ni Papa e.”
Hindi naman nagtagal ay may kumatok na sa pinto. Si Ate na ang nagbukas.
“Babe, dito na daw matutulog `yong dalawa. Nasa guest room na si Yael.”
“E si Roxie?”
“Naghahanap ng bath tub. Ha ha ha! E `yon nasa kwarto ni Kaiya.”
Agad akong tumayo. Patakbo kong hinawi si Gael sa pinto. God! Nobody sleeps on my bath tub but me! Gustong gusto ko pa namang matulog dun ngayon after a long day of tiring work.
Too late! Wala na rin ang unan at kumot ko sa kama. I could actually smell her scent upon entering the bathroom.
“Roxie!” Agad ko siyang nilapitan. Nakahiga na kasi sa sahig! She looks so wasted. “Mabigat ka. Gising ka nga.”
Damn! She’s too heavy for me. Tinawag ko si Gael para tulungan ako.
“Angbigat naman ng patpatin na `to.” Reklamo ni Gael habang inaakay namin si Roxie sa kama ko. “Sabihin mo nga mag-diet siya.”
Hindi ko na nga siya sinagot. Mabibigatan talaga siya kasi maging siya ay marami ring nainom.
“Okay na. Thank you. Ako nang bahala dito.”
Naku! Iinom inom nang marami ha? Tapos hindi kaya ang sarili. God! She’s smiling foolishly while her eyes are close. Maganda yata ang panaginip niya.
She’s pretty and pogi naman. Kung siguro mas nauna siyang nakilala ni Ate e may chance na naging sila.
Whattahell! She removes her shirt! “Init tangina.” Nung akmang tatanggalin niya ang bra niya ay pinigilan ko na siya. “Mainit! Tangina talaga.”
Hinablot ko agad ang kumot para itakip sa kanya at nilakasan ko agad ang aircon nang hindi siya mainitan. Baka maisipan pang maghubad nang tuluyan e.
“`Namo ka, Gael. Bakit ikaw ang mahal niya.”
Hays! Buti na lang wala na si Gael ditto!