Chapter 2

2172 Words
Chapter 2 Kaiya “Akala ko ba alis ka? Bakit nakahilata ka pa diyan?” Bumangon na ako. “Angtagal kasi ni Roxie. Tinext ko na tinawagan ko na wala pa rin.” Ipinatong ni Papa ang diyaryo sa mesa bago ako hinarap. “Baka naman busy `yong tao. Wala ka bang ibang kaibigan na pwedeng yayain? Kung hindi si Jewel ang humihila sa kanya, ikaw naman. Baka gusto niyong ampunin na rin si Roxie nang hindi na mapapagod sa pagda-drive ang batang yon.” “Naku `Pa! Huwag mong ipaparinig sa kanya `yan at baka kinaumagahan ay bitbit na niya ang lahat ng gamit niya.” “Oh de maganda. May dagdag akong anak na naman.” Tawa pa ni Papa. “Halla at sasabihin ko rin kay Gael na dito na rin tumira.” “Baka magtatalon pa sa tuwa si Ate kung sakali.” Nabagot na yata sa presence ko si Papa kaya umalis na rin siya. Magbababad na naman siya sa skype. Pagtsitsismisan na naman nila kami ni Mama. Tatawagan ko na sana si Roxie nang narinig ko na ang pagbusina niya. Kabisado ko na `yan e! Tatlong mabilis na pagbusina at dalawang mahaba. Kapag hindi pa ako lalabas ay uulit-ulitin niya para marindi ako. I got my bag and hurriedly went out. “Angtagal mo naman.” Inis kong sabi sa kanya. “Sorry ha? Hindi lang kasi sa’yo umiikot ang mundo ko. May sarili rin akong trabaho na kailangang atupagin at masungit na tiyahin na kailangan ko pang sunduin sa airport.” Iginarahe na muna niya ang motor niya dahil kotse ko ang gagamitin namin. Sumakay na siya agad hindi man lang nag-abala na pagbuksan ako ng pinto.   Pagkasakay ko napansin ko ang bracelet niya na kulay blue. Agad ko itong hinawakan at pumikit ako. “Sana po maka-move on na ako.” Makailang sambit ko sa isip ko. “Potek `yan! Anong trip mo?” Inis nitong sabi pagkapalo sa kamay ko pero mahigpit pa rin ang hawak ko sa kanya. “Sana po maka-move on na ako.” Isang mabagal at taimtim na hiling ko pa ulit. Nagmulat na ako saka binitawan siya. “Nagwish. Sabi sa nabasa ko touch anything blue then you can wish. By the way, absuwelto ka na.” Tinapik-tapik ko pa siya sa braso nang matigil na ang pagdadrama niya. “Let’s go. I am craving for Hawaiian pizza.” Where do broken hearts go? In a place where they can find another sense of happiness. And as for me? Food ang naging alternative happiness ko. I gained weight na nga e pero ok lang naman kaya ko pa namang dalhin ang katawan ko sa pagsayaw. “Ikaw ang nagyaya kaya ikaw ang taya.” Pauna pa niya bago ako pinagbuksan ng pinto. “Wala akong dalang cash. So, kung gusto mong samahan kita maghapon. Ililibre mo ako.” “Lagi naman. Kapag ako naka-move on. Wala nang libre-libre.” “Ok lang. Atleast hindi ka na parang hangin kung tatawag. Gusto agad-agad e. Nakakastress.” Panggagaya niya sa ate ko. Hinawi pa niya ang kanyang buhok na kunwari ay mahaba saka ako inirapan. “Kung suswelduhan mo lang sana ako diba?” “Tara na nga. Mukha kang pera.” Hinatak ko siya papasok sa Pizza hot. Ngiti lang siya nang ngiti sa mga nakakasalubong namin. Most friendly na siya at madalas mag-trending kung magkasama kami at tinotopak siya maging extra sweet at makukuhanan ng pictures ng mga fans.  “Mapunit yang labi mo.” Sumubo siya ng pizza saka nang-aasar na ngumuya-nguya habang kausap ako. ”Shos. ayaw moh nown? Gwapo ng lagi mong kashama sha picshures?” Naiinis kong inilagay sa tapat niya ang iced tea. ”Yuck ka. Umayos ka nga.” Uminom naman siya. Dumighay pa e. “Alam mo bang effective na makita ka ng mga netizens na may kasamang pogi? At ako `yon.” Kinindatan pa niya ako saka sumubo ulit ng pizza. Tuloy ang pagmamanatakaw niya! She is really getting into my nerves! “Angtakaw mo Roxie! Anong alaga mo? Do you have a dragon in your stomach?” Turo ko sa tiyan niya. “First rule, bawal ang conyo kapag ako ang kasama mo. Feeling ko nakakasakal at hindi ako makahinga. Pangalawa.” Tinapat niya ulit sa akin ang mga daliri niya. “Kung ano ang gusto kong kainin ipakain mo sa akin dahil nabibingi ako sa mga drama mo sa buhay. At pangatlo, coke ang gusto ko, please.” She smiled like a kid asking for some candy. Pinagpalit ko ang inumin namin. Adik nga pala siya sa coke. “Salamat. Game umpisahan mo na. Handa na akong makinig.” Hindi pa man din ako nag-uumpisa e binara na niya ako agad. “Parang `yan na rin `yong kinwento mo sa akin no`ng isang gabi. Wala ka na bang most recent hurtful experience?” “Bueset ka naman e.” Ikinumpas niya ang kanang kamay niya. ”Hindi pa ako umay. Sige lang. Go on go on.” Sabay subo pa ulit ng pizza. “So `yon nga. Next week araw-araw ko siyang makakasama dahil sa isang taping. Nahihirapan ako Roxie. Anong gagawin ko?” Napataas ang kanang kilay niya. “Next week? Ahy nakalimutan ko. Mag-start na pala `yong workshop sa Persona. So pa`no? Ipapa-cancel ko na lang `yon?” “Hindi! Kailangan ba araw-araw? Pwedeng modular instructions na lang ako? Madali naman akong matuto e.” “Angchoosy mo. Sige kakausapin ko si Tita.” Napapalakpak ako sa tuwa. Finally! Pwede ko na rin ma-enhance ang skills ko sa fashion designing kahit konti. “Thanks Pan!” Pipisilin ko sana ng pisngi niya pero naiwas niya agad ang mukha niya. I call her Pan, Peter Pan. Kung makapagsuot kasi siya ng short parang si Peter pan na bitin sa bitin e. Though cute naman din tingnan parang teen ager. Just like Peter Pan na hindi tumatanda. “Hep! Don’t you dare! Don’t gigil my cute face, please. It’s sensitive.” Ang-arte naman! “Kumain ka na lang.” Nilagyan niya ng isa pang slice ng pizza ang plate ko.  “Saan tayo pupunta after nito?” “Shopping. Bibili ako ng pares ng mga sapatos.” “Mga? Yan na naman ang Imeldefic attitude mo e.” What’s wrong with buying some? Pera ko naman ang ginagastos ko. “Alam mo, imbes na ibili mo ng mga sapatos at kung anong kaartehan ang pera mo mag-save ka na lang. `Di ba sabi mo napapagod ka na rin sa pag-aartista? Gamitin mo kaya sa pag-o-open ng negosyo?” “Like what?” She shrugged her shoulders and sip another drink. “Malay ko. Sabi ko, magnegosyo ka pero hindi ko naman sinabing may alam akong bagay sa`yo `no.” Bitin talaga siya lagi mag-advice. Pagkatapos niyang ubusin ang isang box ng pizza nahila ko na rin siya sa wakas para samahan akong magshopping. “What do you think?” She gave me a thumbs down upon looking at the pair of shoes. “Hindi bagay. Walang babagay sa`yo. Huwag ka na lang kayang bumili?” Inirapan ko nga siya at nag-try ulit ng iba. She keeps on discouraging me the moment we entered this shop. Nakita lang niya kung magkano ang presyo she started whining about what I can save if I won’t buy such luxuries. “Angdami mong sponsors. Tapos bibili ka pa? Mag-isip ka naman.” Nakahalukipkip siya habang pinagmamasdan akong magsukat ng sapatos. “Kita ugat ng paa mo diyan. Hindi bagay.” And to wrap up everything? Hindi ako nakapili dahil mas matindi pa siya kay Ate kung mag-nag! Lahat na lang negative, lahat may say siya. “Uuwi na tayo. Masaya ka na?” I asked sarcastically. Her smile widen and even wore my bag. “Oo naman!! Angsoyo ko oh.” Tinuro pa niya ang ngiti niya. “Obvious ba? Tara na nga.” We went window shopping. Sa tuwing napapatitig ako sa isang item na gusto kong bilhin hihilain niya ako palayo. Para tuloy akong shopaholic na inilalayo niya sa tukso. “Hoy Pan! Heartbroken ako, hindi shopaholic!” She sighed and pats my right shoulder. “Save money okay? Ituon mo sa mas kapaki-pakinabang na bagay ang oras at pera mo.” Tinaasan ko siya ng kilay at pinalo ang braso niya. “Pakialamera. Guidance counselor? Hays! I want to buy that jacket!” Papasok na ako sa store pero hinawakan niya ako sa kaliwang kamay. “Isipin mo si Yohan `yan. Lalapit ka pa?” Natigilan ako. Pero gusto ko siyang asarin kaya ngumit ako at tumango. Akala ko pa naman hindi niya bibitawan ang kamay ko. She let me go and turn her back on me. “Hay naku. Tanga lang talaga.” I heard that! Hindi ko na nga siya pinatulan. I went to the shop and took a pair of pants. Alam kong hindi siya papasok kasi naiinis siya sa tuwing kinokontra ko ang mga advices niya. “Miss, can you wrap this one?” Tumango naman ang saleslady. White short pants ang binili ko at dinagdagan ko ng isang bennie hat. “Thank you.” Ngiti ko sa saleslady. Ngumiti naman siya saka humirit ng isang selfie. Nakangiti kong kinalabit si Roxie at itinapat sa mukha niya ang regalo. “Thank you, Pan! You are really a good hipag na hilaw to me!” Hinawi niya ang regalo at as what I expected kunot na ang noo niya. “Kailangan mo talagang ipagdiinan na hipag na hilaw?” “But of course! Baka nakakalimutan mo din Pan na pareho tayong nagmo-move on dito.” Inabot ko ang kamay niya ang ipinatong ang regalo. “Thank you gift ko `yan kasi angsipag mong maging moving on buddy. Tara na? Uwi na tayo. Magkwentuhan kayo ni Papa.” “Hindi ako pwede e.  May dinner date kami ni Tita Rid.” “Oh, I See.” Sandali akong nag-isip. Naalala ko na nandito rin lang sa malapit si Yael. “Ite-text ko na lang si Yeal. Puntahan mo na lang ang Tita mo baka magalit e. `Di ba sabi mo Hell Queen yon?” “Mas mabuti pa. Sumama ka na lang sa dinner.” “Family dinner `yon, `di ba?” Tumango naman siya. “Miyembro ka na ng family mula nung nag-gate crash ka sa Christmas party namin. Naalala mo `yong lasing na lasing ka at muntik mo nang solohin ang videoke?” I shut her mouth with both my hands. “Another word and I will break your ribs.” She giggled and raised both arms in surrender. “Bahay ko muna? Magbibihis lang ako.” She looked at me like those men checkin` on some women in bars. Tumataas-taas pa ang kilay niya. “Ok na yan.” Napansin ko ang isang hibla ng pilikmata niya na natanggal. “Wait, Pan.” Kinuha ko ito at pinakita sa kanya. “Make a wish. Bilis.” “Na naman? Sampung pilikmata na ang pinag-wishan ko ah. Wala namang natutupad.” “Basta. Geh na .Wish na!” She sighed and moment of silence came. “Taas. Baba?” “Taas.” She answered coldly. “Ahy.” I frowned when her eyelash was left at the tip of my thumb. “Hindi magkakatoo yung wish mo Pan. Isip ka iba next time ha?” Pi-nat ko siya sa balikat saka nilampasan at tutungo na ako sa exit ng mall. Hay. Honestly? Without Roxie? I really don’t know what had happened to me. Baka nagpakamatay na ako or nalulong sa alak. Her positive views in life somehow keep me calm every time I wanted to do something really stupid. Upon reaching the car a kid came and smiled at me. She handed me this Notebook with My Picture on its cover. “Pwede pong pa-otograp?” Yumuko ako para maabot ko siya nang maayos. “Sure. May bolpen ka? Naiwan ko `yong ballpen sa car e.” Tumango siya at kinuha sa bulsa niya ang isang bolpen na may star na designs. “Idol po kayo ng Ate ko. Pero hindi siya pwedeng lumabas ng kwarto kaya n`ong nakita ko kayo sinundan ko kayo. Sorry po ha?” Pagkatapos ko siyang bigyan ng autograph ay may binigay naman siyang panyo sa akin. “Thank you po. Huwag na kayong iiyak sa TV ate kasi nalulungkot din si Ate ko. Bawal siyang malungkot nang sobra e.” Tumakbo na papalayo ang bata. Lumingon ulit siya sa akin para mag-wave good bye. “Sabi ko sa`yo may mga nai-inspire pa sa`yo e. Konting push na lang ba sa moving on?” Rinig kong sabi ni Roxie bago niya binuksan ang pinto ng kotse. “Thank you sa gift. Pero sana next time `yong kasya naman. 27 ang waistline ko. Si Yohan ang 29. Nakakahiya naman sa akin `di ba?” Damn.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD