Chapter 3

2101 Words
Chapter 3 Roxie Nagbibigay ng regalo hindi naman kasya sa akin. Cute sana e! Nagustuhan ko naman sadyang kailangan ko pang mag-belt para maisuot. Magmumukha akong tokong no`n e! “Uy sorry…” “Ok lang. Yaan mo na.” Wala naman talagang kaso `yon. Ipapa-repair ko na lang. Nai-imagine ko na OOTD ko na suot `yon. Gosh! Pogi ko n`on sigurado! Hindi ko inaalis ang tingin ko sa daan. Iniisip ko rin ang mga deadlines sa next issue ng CKM magazine. “Tita mo talaga si Miss Ingrid? She’s my idol in fashion designing. Anggaganda kasi ng mga gawa niya.” Tumango ulit ako. “Hindi ba kapani-paniwala?” “Yeah. Sorry ha?” “Ok lang.” Sikat si Tita sa fashion industry but never siya nagbibigay ng infos about her personal life. Para daw kung sakaling may hate issues e hindi kami madadamay. “Naku, pagkasungit-sungit n`on! Marami akong natanggap na kurot d`on n`ong tinuruan niya akong magbasa. Daig pa sina mama e.” Nangiti na lang ako sa isip ko nang maalala ko kung paano maging terror si Tita sa amin ni ate. Bawat mali sa test namin may kapalit na kurot. Grabe! Naalala ko mga bakas ng kuko niya sa braso ko! “Close kayo?” “Oo. In fact gusto niya akong dalhin sa France noon.” “Talaga? Bakit hindi ka sumama?” “Walang malalim na dahilan.” Hindi na rin naman siya nagtanong. Hindi ako pinayagan nina mama na sumama sa kanya pero dahil si Tita ang nagpaaral sa akin, obligado akong sumama at manirahan sa France kasama siya. Two years ago dapat ay nand`on na ako pero humingi pa ako ng palugit. So ngayon wala na akong lusot. Ipa-process na ang mga papeles ko. And knowing her and her connections? Baka isang snap lang niya may pa-ticket na ako. Malapit na kami sa bahay namin. Nagre-retouch na naman siya. Hay! Siguro kung itatago ang make-up nito mababaliw nang biri light. “Mukha ka nang bangkay. Tama na `yan.” Puna ko sa kanya. “Tsk. Ayokong mapahiya sa Tita mo `no. Dapat maganda ako.” Natatawa kong itinigil ang kotse sa tapat ng bahay namin saka ko siya hinarap. “Pati ba self-confidence mo bumaba na rin nang ni-reject ka ni Yohan? Maganda ka okay? Tanga lang talaga.” Nagmadali na akong bumaba at kinuha nag bag ko sa back seat. Kinatok ko ang bintana sa tapat niya. Ibinaba niya naman ito. “Anong hinihintay mo?” Masungit kong tanong sa kanya. “Pagbuksan mo naman ako oh.” Hindi ko nga ginawa! Humalikipkip ako at nagmatigasan kami hanggang sa nag-give up siya at siya na rin ang nagbukas ng pinto. “Grabe. Napaka-ungentleman mo naman.” Pagkababa niya ay inakbayan ko siya at tinapik-tapik pa sa balikat. “Kaibigan ako, hindi ako drayber. At lilinawin ko lang ha? Kailangan mong maging independent. Magbubukas lang ng kotse kailangan pa ibang tao?” Tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kanya. Haha! Napakapikon. Kakabukas ko pa lang ng pinto ay amoy ko na ang sarap ng niluluto ni Tita. Sinisipag ang tandang Ingrid ah! Naboryong siguro sa kakahintay. “Tita, nakauwi na kami.” Hindi siya sumagot. Aba! Focus sa kakaluto. Iniwan ko muna si Kaiya sa living room para puntahan si Tita. Naka-earphone siya habang nagluluto. Kaya naman pala parang walang naririnig e. “Tita!” sigaw ko. Saka lang niya ako nilingon. “Bakit ka sumisigaw?” “Hindi mo kasi ako naririnig.” Dinampot ko ang dalawang mansanas saka hinugasan sa faucet. “Kasama ko pala si Kaiya.” Tinanggal niya ang earphones saka palihim na sumilip sa living room. “Hindi pa pumasa sa panganay, kaya tutuhugin mo ang bunso?” “Tsk. Hindi!” Tanggi ko agad. “Nakwento ko na sa`yo `di ba? Tropa `yan. Tulungan na kita.” Iniiwas niya ang dala niyang sandok. “She seems so tired. Patulugin mo muna sa kwarto.” “Kapag natulog `yan bukas na `yan gigising. Hayaan na lang natin siya.” Makahulugan ang mga tingin niya sa akin. “Anong tingin `yan Tita?” “You know her too well. How long have you been hanging out?” “Ewan. Di ko maalala. Three months? Bakit?” Umiling si Tita saka muling inatupag ang pagluluto niya. Ewan ko sa kanya. Binalikan ko na si Kaiya na abala sa pagbabasa ng mga magazines. Hinablot ko ang hawak niya. Nakatutok na naman kasi siya sa centerfold. Picture ito nina Yohan at Yue `yon e. Paano siya makaka-move on? Yohan might be the hottest lesbian in entertainment industry but I’m sure naman makaka-move on din si Kaiya sa kanya. Duh! Siya naman nagpaasa d`on kay Yohan kaya dapat move on na siya. “Nakalimutan na namang iligpit ni Ate `to. Naku talaga” Tukoy ko sa mga magazines. “Gaano kaya kasaya si Yue ngayon.” Niyakap niya ang throw pillow at sumandal. “Nakuha na niya ang gusto niya.” “Angbitter mo.” Tugon ko naman. “Magiging masaya ka din. Don’t worry.” “Talaga? Paano mo alam? Manghuhula ka?” Tinaasan na naman niya ako ng kilay. “Basta.” Pagmamatigas ko. “Pramis sa loob ng isang taon magiging masaya ka tapos HU U na lang si Yohan sa`yo.” Ipinikit niya ang kanyang mga mata. “Kaya siguro naiinis ka kay Gael kasi pareho kayo ng ugali. Malakas ang fighting spirit niyo pareho e. Ganyan-ganyan siya kapag nalo-loss hope na si Ate.” “Hindi `no. Naiinis ako sa kanya kasi siya ang minahal ng ate mo.” Iminulat niya ang kaliwang mata niya saka tumingin sa akin. ”Uy pinapangarap pa din niyang mag-break sina Ate at Gael.” “Excuse me? Hindi kaya. I am happy for your sister. I had let go of my feelings. Sana ikaw din.” Inirapan niya ako saka pumikit ulit. “Whatever.” --- Isang malakas na pagsipa sa paa ang gumising sa akin. Napabalikwas nga ko nang muli akong sinipa sa paa. “Potaena naman oh!” “What?” Napaayos ako ng upo nang makita ko si Tita Ingrid na nakapameywang at nag-aabot ang mga kilay na nakatingin sa akin. Dito na pala ako sa sala nakatulog. Tsk. Pinunasan ko pa ang namuong laway ko. “Saan ang lakad niyo?” Tanong ko agad. Nakadress kasi siya. Semi-formal attire na naman. The usual attire niya kapag nag-a-attend ng mga fashion shows. “Saan pala si Kaiya” “She’s in my room. Nag-aayos. Magbihis ka. Aalis tayo.” “Huh? Hindi ba dito ang dinner? Aalis na naman tayo?” “Nasunog `yong niluto ko. Lalabas na lang tayo. My treat.” Bantulot akong nagtungo sa kwarto ko. Madadaanan ang kwarto na inookupa ni Tita. Saktong bumukas ito. Napatigil ako nang akmang lalabas si Kaiya suot-suot ang red dress na mas na-emphasize ang ganda ng katawan niya. “Wow. Just wow.” Ginaya ko ang mga director na kunwari ay tinitingnan ang tamang anggulo niya. “Why too gorgeous Kaiya? Tsk tsk.” Iiling-iling pa ako niyan. Sinamaan niya ako ng tingin. “Ano `yan? Kabaligtaran?” Sumandal ako sa pinto saka sinipat ulit siya mula ulo hanggang paa. “Hindi ah. Bagay sa`yo. E paano naman kaya ako? Dapat bagay din sa suot mo ang outfit ko ngayon.” Nagdilim nga ang paligid ko nang may sumaklob sa ulo ko. Damn it! Ah I mean, Damit! Malamang damit na dala ni Tita kasi amoy imported e. Pinapaliguan yata niya ng Dior ang maleta niya. “Wear that. 10 minutes to prepare Roxie. Bilisan mo.” Mga yabag ni Tita ang narinig kong papalayo. Pi-nat ni Kaiya ang balikat ko. “I like your Tita. Magkakasundo kami. Bilisan mo, Pan.” Five minutes hygienic matters and Five minutes mabilisang pagbibihis. Konting pagsuklay at off I go! Paglabas na paglabas ko ng pinto ay si Tita na nakahalukipkip at masama ang tingin na naman sa akin. “Oh?  Bakit?” Umiling siya. “Are you sure you are just friends with Kaiya?” Tumango ako agad. “Bakit?” “Nothing. Pinapaalala ko lang sa`yo na konting panahon na pinaasa niya si Yohan. Baka matulad ka rin sa kanya.” “Tsss. Pinapangunahan mo naman ako lagi. For me, kaibigan lang siya. Tutulungan ko lang siyang magmove on. Saka bibigyan ako ni Jewel ang reward kapag wala nang pake si Kaiya kay Yohan.” Siyempre, hindi na naman siya naniniwala sa akin. Parang hindi ko tiyahin e. Walang tiwala sa mga binibitawan kong salita. Tsk tsk. -- “Hi…” Binati ni Tita ang babaeng naghihintay sa may table. Nasa likuran lang kami ni Kaiya. Naks. Bumabagets ang naghihintay kay Tita. Baka isa sa mga models na ka-fling niya. “Sorry to keep you waiting.” Hingi ng paumanhin ni Tita bago niya kami pinakilala. “This is My neice Roxie and her friend Kaiya.” Bumaling naman siya sa amin. “Siya naman si Jaira Cael.” Pamilyar ang Jaria na `to. Nang makaupo kami at katapat ko siya. Kunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Napansin niya siguro ako kaya siya napangisi. “What? Something awkward?” Umiling ako. “Pamilyar ka lang. Nagkita na ba tayo dati?” Tumango siya. “In some fashion shows kapag dinadala ka ni Miss Ingrid. Pagala-gala ka sa back stage.” Whatever. Sa dami siguro ng mga nakasalamuha ko noon e hindi ko na sila matandaan lahat. Naso-soffucate ako sa topics nila. Kasalan e! haha. Nakaka-soffucate! Hindi ko na binigyan pansin kung kaninong kasal ang pinapakiusap ni Jaira na igagawan ni Tita ng designs. Masarap ang pagkain kaya hayahay ang buhay! “Wala bang softdrinks dito?” Reklamo ko kay Tita. “Gusto ko ng softdrinks. Kaiya, bili tayo sa labas. Balik tayo agad.” Hindi ako nag-iinarte ha? Angtahimik kasi ni Kaiya gusto ko lang siyang buesetin. Aba! Hindi niya ako kinontra. Nag-excuse naman agad. “Tita, hintayin ka na lang namin sa kotse. Text ka kapag tapos na kayo dito ha?” Bumaling ako kay Jaira. “Nice to meet you again Ate.” Ngumiti naman siya. “Magkikita ulit tayo sa workshop. Sasali kayong dalawa hindi ba?” Tumango ako. “Sige.” Naupo kami sa may wooden chair malapit pinagparkingan namin ng kotse. Nagmusic trip habang iniinom ko ang pangalawang Coke in can. Heaven! Heaven ang feeling sa bawat lagok. “Nakaka-starstruck talaga ang Tita mo.” Lumagok naman siya ng in-can beer. “Grabe nakakaewan ang feeling. She’s so famous in the fashion industry tapos kasabay nating kumain? Grabe talaga.” Fan girl mode siya bigla? “Naku! Nagsawa na ako sa pagmumukha niya `no. Noon, susunduin ako niya sa school kakain kami sa labas, kakain ulit sa bahay, magluluto pa yan for mid night snack. Nakakasawa.” “Swerte mo ha? Bakit angtagal pala niyang wala sa Pilipinas?” Lumagok ulit ako. “Ewan ko. Ang alam ko lang hindi niya ginusto ang desisyon niya. Lagi niyang sinasabi sa akin noon na kapag may gagawin akong desisyon pag-isipan ko ng makailang beses bago ko gawin.” “Ginagawa mo naman?” Tumango ako. “Maliban sa isang bagay.” “Ano `yon?” Tiningnan ko siya sa mga mata at ngumiti. “Secret ko na `yon `no?” Humalukipkip ako at pinikit ang aking mga mata. “Gisingin mo ako kapag nagtext si Tita ha?” Ilang sandaling katahimikan. Naramdaman ko na lang na sumandal siya sa balikat ko. Gusto kong matawa sa sarili ko sa tuwing naalala ko ang mga binitawan kong salita kay Yohan noon. ”Hindi ako sigurado kong gusto ko siyang protektahan dahil kapatid siya ng idol ko o gusto ko lang dahil gusto ko.” Mga katagang hindi ko pinag-isipan. Basta na lang lumabas sa akin bibig. “Pan…” “Hmmm?” “Wala akong bestfriend. Pwede ka ba?” “Ayoko.”  Agad kong sagot. “Huwag mo na lang tanungin kung bakit. Basta ayoko.” Hindi naman kasi ako magtatagal dito sa PIlipinas. Saka angdaming kakornihan ng bestfriend bestfriend na yan. Paano kapag umalis na ako? Baka sabihin pa nito iniwan ko siya sa ere. “Pan…” “Ano na naman?” “E kung magboyfriend kaya ako? Sa tingin mo makaka-move on ako agad?” “Bakit? May nagpapahaging ba sa`yo?” Naramdaman kong tumango siya. “What do you think?” “Bigyan mo ang sarili mo ng mga two months pa. Then pwede na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD