Chapter 9

1851 Words
Kabanata 9 KAIYA God! The usual hang over. It’s around 6:00 in the morning na. May note sa center table from Roxie. Pinatungan niya ng vase. “Hoy. Huwag mo akong guguluhin. Aatupagin ko ang trabaho ko. Bye. PS: Huwag kang masyado pahalata na deds na deds ka pa din sa kanya. Angpangit mo.-Roxie na mas pogi pa sa ex mo.” Tinupi ko ang kumot saka pinatong sa unan. Skye came out of her room. “Gising ka na pala. Lipat ka sa kwarto kung inaantok ka pa. Magluluto lang ako. May dance rehearsals tayo ng 10:00. Uuwi ka pa?” Umiling ako. “May mga damit naman ako dito `di ba? `Yon na lang.” Naalala ko na sobra ang inom ko kagabi. “Wait. I didn’t do anything stupid last night naman siguro?” Her laughter filled atmosphere. “Gaga. Anong wala. Sinayawan mo si Roxie. And the crowd went wild! Bilib ako sa pasensya ng taong `yon sa`yo. Kung ako `yon iniwan na kita sa dance floor.” I bit my lower lip. Nakakahiya! Siguradong ipapamukha na naman n`on sa akin ang kagagahan ko. “s**t. Baka na sa socmed na naman ako.” Sinundan ko siya sa kusina. “Baka pagalitan ako ni Manager Han.” “Baliw. Ilang beses ka na bang na-viral? Hindi ka pa naman tinatanggal o nare-reprimand nang matindi. It’s still publicity.” Pinagtimpla niya ako ng kape. “Mas matakot ka kay Ate Jewel. Haha! Paniguradong umuusok na ang ilong n’on ngayon. She giving me a call na nga kanina. Hindi ko lang sinasagot.” Parang ayoko ngang umuwi muna. Sasabunin na naman niya ako. b***h ako pero mas b***h naman `yon si Ate kapag napuno na. “Try mo kaya maging mabait nang konti kay Roxie,” said Skye. “Huwag mo namang bigla-bigla tawagan. May work din `yong tao.” “Kung busy siya hindi siya pupunta. E pumupunta siya meaning marami pa siyang extrang time.” “Not really. Nahihiya lang siguro siya kasi Editor in Chief niya ang Ate mo. Naku! Kayong dalawa talagang magkapatid. Bitchy pareho.” Nailing siya saka humigop ng kape. “Nakakaramdam tuloy ako ng awa kay Gael at Roxie. Buti pa si Gael, jowa. Si Roxie parang alipin.” Should I be proud of it? Hmm. Naalala ko `yong workshop ng Persona. Wala pa akong model! “Last out of town na natin ano? Then we’ll take a break?” She nodded confusedly. “Bakit? Magbabakasyon ka?” “Nope.” Umiling ako then sip a bit of coffee. Hmm! Coffee on a hangover! Angsarap!  “Remember gusto kong maging fashion designer dati `di ba?” She nodded a couple of times. “Tapos?” “Tita ni Roxie ang Director ng Persona.” I smiled widely at her. “Nakasama ako sa workshop. Ayos `no? Persona, international Brand.” “Oh? Seryoso? Aba naman! Palakasan yata `yan! Hahaha!” “Hindi ah! Model na lang talaga ang kulang. Haha!” Kailangan kong mapapayag si Roxie by hook or by crook. Kailangan makaisip ng paraan. I can’t think of any other person na makakatraho ko na at ease ako. Lalo sa status ko ngayon. --- Nasa studio na kami. Kailangan kong mag-focus sa rehearsal. Hindi ako dapat ma-conscious kay Yohan. Start na ng rehearsal. So far okay naman pati blockings. I’m not messing up. Water break. Inabutan ako ni Valen ng bottled water. “Angtindi ng focus natin ha?” Biro pa niya. “Sobrang tindi nakakatense. Parang lalamunin mo kami sa stage presense.” “Bumabawi lang ako kasi I made a mess na naman sa socmed.” Mahina kong sagot sa kanya. “Baka maging monster na si Manager Han.” Dumating na nga si Manager at masama ang mood. Siniko ako ni Valen. Napaayos ako ng upo. “Kaiya, trending ka na naman sa socmed. Hindi ka pa napapagod?” Napayuko ako sa hiya. I’m fuckin’ drunk last night! Hindi ko na alam ang karamihan ng pinaggagawa ko. I had browsed twitter and my videos are all over. We do look like a couple sa mga clips and pictures. “After ng Davao Concert ninyo, this group will have some break but you can take solo guestings. May mga naka-line up na pati teleserye. It’s up to you kung tatanggapin niyo ang ibang offers.” Yohan raised her hands. “I’ll take a break muna. Focus muna ako kay Yusef.” Adopted child niya si Yusef. Parang kumpletong pamilya na nga sila ni Yue. That should be me! Tsk! Ano ba `tong iniisip ko na naman. I imaginary slapped myself to be reminded of the reality. God! Please help me move on! “How about you Kaiya? May audition para sa isang teleserye. Would you like to try it?” “I’ll consider it Mr. Han. Sayang din `yon.” “Good. And please Kaiya, ingat-ingat sa mga kilos ha? You don’t want to ruin your career naman siguro.” “Sorry po.” Napayuko na lang ulit ako. Isang maling desisyon pa kasi Kaiya sigurado na ang matinding sermon ni Manager Han. Pack-up na! Makikisabay na lang ako kay Skye. Dadaan kami sa taping ng kaibigan niyang si Louise, isa ring sikat na actress. “Kaiya, pwede ba tayong mag-usap?” That’s Yohan. Sumenyas sina Skye na mauna nang lumabas ng studio. Binaba ko ang bag ko saka hinarap si Yohan. “Why? Anong pag-uusapan natin?” “Okay na tayo `di ba? Why are you doing these things to yourself?” “Doing what?” I asked innocently. As if hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. “Ito lahat!” She frustratedly raised her hands. “Don’t make me feel guilty sa mga ginagawa mo sa buhay mo, please.” I sighed. “Look, it has nothing to do with you. Gusto ko lang maging iba. Masaya ako sa pagba-bar. Anong masama doon?” “Lahat! Like ako ang sinisisi ng ibang fans mo.” I really thought concern siya sa akin. Sa image pala niya siya concern. Tsk! Pinunasan ko nag tumulong luha ko. “Pasensya ka na kung nadadamay ang image mo ha? Gusto ko lang maging masaya e. Hindi naman siguro bawal `yon.” Isinukbit ko na ang bag ko para iwan siya dito. Just when I can go pass her, she held on my arm. “You’re better that this, Kaiya.” Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. “Nobody knows me more than myself. I won’t drag you with these issues. Don’t worry.” God! I really thought okay na ako but then again, working with her is another thing. I’m having a worthless life! God knows, willing akong magbago para sa kanya. Willing akong mag-out kung tinanggap niya ulit ako. But she never gave me that chance. She chose Yue. --- Nanditp na kami sa taping nina Louise. It’s their break kaya kumakain muna kami malapit sa van niya. Adobong manok ang food! Magpapapak lang ako nito. Hmm! Sarap nito! Should have ask for more adobo. Hehe. God! Pa`no na ang diet ko nito?  “Akala ko moving on ka na?” Louise annoying teased. “Kaiya naman. Isipin mo ikaw ang unang nang-iwan. Kaya wala kang karapatang magtagal sa moving on process na `yan.” “Hindi mo naman kailangang ulit-ulit `no? Saka hindi lahat ng nang-iiwan nakaka-move on agad.” She just laughed at me. “Girl, don’t get too wasted over her. Bida ka pa sa social media. Umay na nga ako sa issues mo araw-araw. Mukha mo unang bumubungad sa akin sa twitter. Remember n`ong pinapatrend naming ang movie namin tapos you suddenly post a picture of you and Yohan? I hate you, Girl. Hanggang top 2 lang kami sa Philippine trend dahil sa`yo.” “Then huwag kang mag-socmed.” Ismid ko sa kanya. “Sanay naman na ako sa issues. Huhupa din. Makakalimutan din nila. Cycle of social media scandals.” “Ang reyna ng issue!” Mapang-asar na baling sa akin ni Skye. “Daig ang mga pa-issue ni Louise! Haha. Flex mo naman `yong jowa mong pogi.” “Next time.” Sagot lang ni Louise. “Hintayin niyo na lang ako. Ilang sequence na lang e. Magluluto si Mama. Sa bahay na kayo magdinner.” Tinawag na siya ng director. Anggaling lang ni Louise umarte. I wish I could act like her talaga. “Uy, oh wishbone,” said Skye. “Wish ka na dali.” Natuwa naman ako! Pumikit ako agad saka humiling. Ganun din ang ginawa niya. Pagmulat namin ay nagsimula siyang magbilang. “1…2…3…” Hinawakan namin ang magkabilang buto ng wishbone. We pulled until the bone snaps. Tsk! Mas Malaki ang parte niya. Ano ba `yan! “Nice! Sinuswerte nga naman.” Nang-aasar pa nitong sabi. “Sana magkatotoo nag wish ko naman!” “Ano ba ang wish mo?” “Secret.” She giggled. “Hindi magkakatotoo kung sasabihin! Haha!” She’s now busy taking some videos. It’s really her hobby. Ako naman inabala ang sarili sa pagkukwento kay Roxie kahit hindi naman niya nase-seen. Sinendan ko nga ng mga pictures namin ni Skye. Haha! Oh bumaba na ang profile picture niya. And she’s typing says the three dots that’s moving like a wave. Here message pops up. “Oh tapos? Ano gagawin ko sa mga pictures na `yan? Istorbo sa werk! Ubos na memory ng phone ko. Magla-lag na dahil sa pagmumukha mo.” At para mas mainis siya nag-send pa ako nang marami. Haha! I think na sa 30 pictures `yon. “Hoy, para kang ewan diyan. Mapagkalaman kang baliw.” Pansin sa akin ni Skye. Naupo siya saka titinigin-tingin sa phone ko. “Sino `yan?” “Hmm? Si Roxie. Pinagse-send-dan ko ng mga pictures natin. Haha! Inis na siya e.” Pinagkita ko ang kaka-send lang niyang reply. Picture niya na kunwari nasusuka. Natawa lang si Skye. “Pareho kayo ng topak niyan. Mas pogi lang nang konti si Yohan pero pasado na rin. Bet ko `yong long hair pa siya, tas may eyeliner, thick eyebrow. She looks like an alpha in those wolf-vampire movies.” I received another picture message from her. Nakapikit ang mga mata niya habang nagmi-make face. “Wag magreply. Nakakapogi ng pakiramdam hahahaah! Bye! Meeting ako with sexy ladies.” She sent another picture of their meeting. Probably next project na ico-cover niya. Hindi ko na nga nireply. Tinakpan ni Skye ang screen ng phone ko kaya napaangat ako ng tingin. “Ire-remind lang kita Girl ha? Si Yohan ay lesbian na pinaasa mo. Si Roxie ay lesbian na kinatutuwaan mo. Kalmahin mo `yan puso mong maligalig ha? Baka magpaasa ka naman. Kukurutin na talaga kita sa singit.” ---            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD