Chapter 8

1990 Words
Kabanata 8 ROXIE Si Skye ang kausap ni Kaiya kanina at hetona  kami sa condo niya. Hinihintay ang ibang members ng Sonnet 5 dahil may bonding daw sila na isasama ni Skye sa vlog niya. Kung hindi pa siya tinawagan e hindi siya pupunta dahil nalimot na niya na kasama `to sa schedules niya. Nasabit pa tuloy kami ni Jeid. Hay naku talaga, Kaiya! Broken hearted ka lang naging malilimutin ka na. Dito kami nag-stay ni Jeid sa room ni Skye habang ongoing ang vlog nila sa living room. Nagkukulay si Jeid muntik na niyang kulayan ang dingding! Haha. Kids at home problems `yan. “Tita Rox, why no jowa?” Ang batang `to! Ano bang tumatakbo sa isip niya at kanina pa `yang Jowa na `yan. Haha! “Secret. Wala pang lab. Haha! Magkulay ka lang diyan. Shhh tayo sa jowa.” Tumango naman siya at bumalik sa pagkukulay. Napapakanta-kanta pa e bulol naman. Ano kaya ang pinapagatas nina Jeid sa kanya at ganito ang takbo ng isip. Kumusta naman kaya si Kaiya sa vlog. Baka tuliro na siya sa presence ni Yohan. Tsk tsk. Pogi naman si Yohan kasi talaga sadyang wrong move din siya n`ong pinaasa niya. Hayan tuloy. Noong siya na ang nasaktan feeling victim na. Totoo talaga `yong kasabihan na matangkad si pagsisisi dahil lagi siyang nasa huli. Hahaha! Nakatulog na si Jeid at lahat hindi pa tapos ang vlog-vlog nila. Mag-aalas-singko na. Sinilip ko sila sa siwang ng pinto. Mukhang ewan si Kaiya. Lutang! Akala niya ha. Nahuhuli ko siyang napapatingin kay Yohan. Sus ko po! Tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Sumandal ako sa pintuan at humalukipkip. Napapailing ako sa babaeng to e. Napaka! Napakashunga. Mas active sa vlog sina Skye, Liora at Valen. Samantalang tahimik lang at paisa-isa ang sagot nina Yohan at Kaiya. Naku! Tension! Ilang minuto pa ang lumipas. Hinila-hila ni Jeid ang tshirt ko. “Oh Gising na agad ang bebe.” Kinarga ko siya. “Bakit bilis naman ng tulog mo.” Isinandal niya ang baba niya sa balikat ko. Saktong tapos na rin ang vlog nila kaya lumapit na ako. Ibibigay ko `tong bata kay Kaiya. Haha. “Hoy, oh alaga mo. Aba! Sulit na sulit mo ang serbisyo ko, Kamahalan.” Kumandong sa kanya agad si Jeid. Inaantok pa ang bata talaga. Pinagtawanan siya ni Skye. “Wow! Instant anak! Hahaha! Rox, baka naman kayo na ni Kaiya talaga ang para sa isa’t-isa. Yiiiee….” “Nek nek mo.” Natatawa kong sagot. “Delulu ka na ghorl. O kakain ako ha. Hindi niyo naman ubos ang pizza e.” sumalampak ako sa sahig para tirahin ang ham and cheese. “Guys, sinong mag-eedit ng videos?” tumikhimtikhim pa ako. “Beke nemen. Sideline…” “Lagi mo nang kasama si Kaiya. May time ka pang mag-sideline?” Kantiyaw sa akin ni Liora. “Kapatid. Perang-pera na ako. Kailangang mag-side-line. Dapat yumaman muna ako para pwede na akong jumowa.” Sumubo ulit ako ng Pizza. “Hmm! Pagkasarap ng libre! Haha!” “Akala ko kailangan mo pang maka-move on kay Jewel bago ka jumowa.” Naku! Bumanat na naman si Valen. “Joke lang.” Nag-peace sign pa siya. “Grabe ka sa akin ano? Hindi naman nag-level two `yong love ko sa kanya kaya madaling mag-move on. Saka bibig mo. May baby.” Nguso ko kay Jeid na tulog na agad. “Lam niyo guys, awkward `yong mga videos niyo kanina. Kayong dalawa.” Turo ko kay Kaiya at Yohan. “Angtahimik niyo. Ramdam ang tension. Jusko! Imbes na good vibes ang vlogs siguradong issue na naman `yan.”             “Tingin mo?” Alanganing sabi ni Skye. Tumango-tango ako. “Kaya ako na ang mag-eedit ng vlogs. Nang hindi naman mukhang ewan `tong Buddy ko.” Siyempre tinutukoy ko si Kaiya. Haha! “Gagi! Inuutakan mo na naman ako e.” Asar na sabi ni Skye. “Magkano ba ang rate mo ha?” “Three K. Pwede na.” Kinamot-kamot ko pa ang kanang palad ko. “Isang linggo pwede na `yan ipost.” Hahaha! Sa hinaba-haba ng pagkumbinsi ko sa kanya pumayag din naman! Yes! Sideline! Ni-render ko ang mga videos sa laptop niya at kinopya ko sa flashdrive ko. This is money! Hihi. Umalis na `yong tatlo. Si Kaiya naman ay nakatulog na sa kwarto. “Ayusin mo ang pag-edit mo ha.” Pahabol pa nito bago ko tanggalin ang flashdrive sa laptop. “Opkors! Worth the money. Tatanggalin ko lang `yong mga lutang moments ni Kaiya. Aba naman. Pag-pipiyestahan na naman siya ng mga tsismosa e.” “Swerte naman talaga ni Kaiya. I-shi-ship ko na kayo! Hahaha!” “Mahal ang shipment fee.” Ganti kong biro naman. Binulsa ko na ang flashdrive. “Sana maka-move on na si Kaiya. May mga out of town shows pa kayo. Baka lutang pa siya lalo.” “Ako ang bahala sa kanya sa out of town shows. Don’t worry sa future jowa mo.” “Utot mo blue. Hilig mo magship ano? Ini-stalk ko socmed accounts mo. Hindi mo pa binibura `yong ibang KaiHan moments. Delete mo na. Kakahiya naman sa nagmo-move on.” Napatakip siya sa bibig niya. “Oo nga! Teka nga. Magdelete na pala ako.” Tumutok na siya sa phone niya. Pinanood ko naman ang ilang videos kanina. Si Yohan focus sa vlog. Hindi man lang tinatapunan ng biri little na tingin si Kaiya. Parang ako ang nasasaktan. Haha. Joke lang. Mag-9:00 na. Wala na akong balak sumama pa sa bahay nina Kaiya. Tinext ko na si Gael na nandito kami para siya na ang sumundo sa dalawa. Ako naman ay magcocommute. Malapit lang naman ang aking uuwian. Pagal na ang aking wankata. Parang lupaypay na ako. Dumating na si Gael. Tamang gising na rin ang dalawa. Messy hair doesn’t care si Kaiya paglabas ng kwarto karga-karga si Jeid. Haha! Nanay ka ghorl? “Hindi ako uuwi.” Sabi nito. “Pasabi na lang kay Ate.” “Dito ka matutulog?” balik-tanong ni Gael. Umiling siya. “Magba-bar kami ni Roxie. Bahala na kung saan maabutan ng antok.” Whattafuck? Hindi pa tapos ang trip niya?! Napatingin sa akin si Gael. Mapanghusga na naman ang tingin niya. Oh galit na naman! “Wala akong alam diyan uy. Iniisip ko na nga kung ano ang gagawin ko pagkauwi e.” Natawa si Skye sa aming tatlo. “Sama na lang ako sa inyo. Bored na rin naman ako dito e.” Buti pa nga. Anglala nitong si Kaiya talaga pag nakaisip ng trip. Tinext ko na rin ang Tita ko na hindi ako uuwi at bahala na kung saan aabutin ng antok. Kung sa kalye ako makatulog de sa kalye na lang.  Haha! Alcaps ang reply sa akin e. “UMUWI KA! TANGINA. MAY BAHAY KA. KUNG SAAN-SAAN KA NATUTULOG.” Haha! Tita ko `yan at proud ako sa kanyang reply. Driver ako ng dalawa. Nagkakantahan pa sila sa backseat. Hay! Feeling ko nagco-cope up na naman si Kaiya sa mga tagpo kanina. Angrupok mo talaga! Hindi ko rin naman siya masisisi. The one that got away niya si Yohan e. Kung may ganung term talaga ha? Nakarating na kami sa Infrared Bar. Tumambay na rin ako dito nang ilang beses. Masaya naman dito. May mangilan-ngilang mga celebrities din ang goers. Angsaya kaya mag-site seeing ng celebrities na nagwa-wild dito. May nahuli na nga ako nakikipag-make out sa kapwa lalaki. Pero hindi ko na chinika. Kawawa naman. Mabait naman sa fans `yon e. Haha! Table na malapit sa stage ang inokupahan namin. Kape talaga ang inorder ko. May mga pamilyar na mukha na akong nakikita. Celebrities sa magkakaibang networks. Mayroon pang nagtago sa likod ng kasama. Baka namukhaan niya ako. Mukha ba akong nakakatakot? Haha! “Bakit ka natatawa?” Malakas na tanong ni Skye. Nakikipagsabayan siya sa ingay ng music e. “Nababaliw ka na?” “Hmm?” umiling-iling ako. “May mga celebs kasi na nagtatago n’ong nakita ako. Akala siguro ichichika ko sila. Haha! Naku isang chika lang tungkol kay Kaiya na wasted tiba-tiba na ako e. Aanhin ko pa sila `di ba? Hahaha!” Angsama tuloy ng tingin sa akin nitong kaharap ko. Ininom niya ang natitirang alak sa shot glass. “Kahit kailan bueset ka. Can you just get lost?” “Wow! English! Lasing ka na? Haha! FYI, hindi ako pwedeng umalis dahil ako ang poging driver ninyo. Kaya paka-wasted ka lang. Kami ni Skye ang bahala sa`yo.” Bumaling ako kay Skye na nakatuon sa kumakanta ang pansin. “Hoy! Tulaley ka diyan.” “Ha? Hahaha! Sorry. Anggaling kasi niyang kumanta oh.” Hindi ako pamilyar sa kinakanta pero maganda nga ang boses. Nakailang shots na si Kaiya. Hinahayaan lang namin basta dito lang siya at hindi makipagsayaw. Ibang usapan na. Maraming matang nakatingin. Hayan na. Umiiyak na siya. Kailangan nang iuwi `to e. Naku! Inaaya pa niyang sumayaw si Skye. Ako na lang ang nag-volunteer dahil tipsy na rin itong isa. Susuray-suray pa `tong si Kaiya hanggang makarating kami sa dance floor. Sinasabayan niya ang upbeat na kanta. Tumalikod siya sa akin at sumayaw. Hinahaplos pa niya ang buhok ko habang nagsi-sway ng balakang. Hay Kaiya! Iniharap ko siya at hinawakan sa may beywang. Inilapit ko ang bibi ko sa tainga niya. Diyos! Amoy alak matindi! Ginawa na yatang pabango `yong ininom niya kanina. “Balik na tayo sa table!” Umiling-iling siya saka pinatong ang mga braso sa balikat ko. Tumitig siya sa akin at ngumiti. “Pan, mas magaling akong sumaya kay Yue `di ba?” Diyos ko po! Yohan na naman ang dahilan ng pagkakaganito niya. At sa ganitong pagkakataon kailangang mas habaan pa ang pasensya. Magsayawan na lang tayo Kaiya! Hahaha! De sinayawan ko din! Sexy dance pala ang nais e. --- Angbigat niya. Buti hindi lasing si Skye, tinulungan niya akong akayin itong babaeng ito. Panay pa ang tawag kay Yohan. Hooh! Sumalampak ako sa sofa nang maihiga namin siya. “Grabe!” nahilot-hilot ni Skye ang noo niya pagkaupo. “Anglala ni Kaiya. Hindi na ako magtataka kung bukas laman na naman siyang socmed. Tayo pala.”             “Haha! Sanay ka na rin naman. Very wasted sad ghorl `tong pren mo e. Ewan ba. Anong gayuma meron si Yohan at hindi siya maka-move on.” “Ganun talaga siguro kapag ikaw ang nagpaasa at nainlove. Matindi ang balik.” Hindi ko na siya kayang ilipat sa kwarto kaya kumuha na lang si Skye ng unan at kumot. Dito na siya matutulog. Ako naman ay sa comforter matutulog. Iniayos ko ang kumot niya. Nakanganga ka pang matulog ha. Picture-ran nga kita haha. Pahamak ka talaga Kaiya. Hooh! Kung hindi ka lang kapatid ni Jewel, hahayaan na lang kitang malugmok sa pagka-broken-hearted. Hindi pa ako agad nakatulog. Binasa ko muna ang mga unread messages ko. Baka may raket na maligaw ditto e. haha. Para akong may binubuhay na maraming anak sa kakaraket. Hindi naman masama ang work ko sa CKM. Gusto ko lang laging busy. Para hindi ko maisip na wala akong jowa hahaha! Angbabaw ang dahilan ko naman talaga. Humihikbi-hikbi si Kaiya. Hay Naku! Tumayo ako para siguraduhing naka-lock ang pinto palabas ng balcony. Ako e adbans mag-isip. Baka biglang tumalon to pag nagising. Haha! Mabuti na ang nag-iingat. Sabi nga kasi nila mapusok magdesisyon ang mga broken-hearted. Inayos ko na rin ang kumot niya. Gusto ko nga itali sa paa pero baka pag tumayo tas madapa tumama naman sa mga muebles dito. De deds din siya? Leche! Nakakaparanoid kapag kasama ko siya. Haha. Makatulog na nga! Wait lang. inayos ko muna ang pagkakapusod ng buhok niya para hindi siya masyadong mainitan. `Yan. Langya. Nag-selfie ako na background siya saka ko sinend kay Jewel. “Kapatid mong lasing. 500 rate ko sa gabing ito, EIC. Pakipadala sa account ko hahaha!”                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD