Kabanata 7
ROXIE
Nagpapakulay na ng buhok si Gael. Kasama niya si Jeid na nagpapalagay naman ng cutix. Heto kami ni Kaiya, nagpapa-foot spa. Sarap sa paa. Naka-off ang phone ko. Tatawa-tawa siya dahil inis na ako sa kakatunog ng notifs. Kanina okay pa naman. Pero nung paulit-ulit na `yong “ampogi naman ng Roxie na `yan’, “Akin ka na lang Roxie” o kaya “Roxie buntisin mo ko” ay na-stress na ako. Like paano? Willing naman ako ibabagu ang genes ko kung pwede lang! Hahaha. Nevermind.
“Alam mo ikaw? Anglakas ng trip mo.” Puna ko sa kanya. “F na f mo ba ang ma-trending ha?”
“Nope. b***h tingin nila sa akin kaya magpapaka-b***h na lang ako.” Kaswal niyang sagot habang nakatutok sa phone. Siguro 50% ng oras na gising siya sa phone niya ginugugol. Hindi iyong nakakatulong sa pagmo-move on niya lalo at panay din ang stalk niya kay Yohan. Hay! Naku!
“Ewan ko sa`yo. Idol ka. Pakatandaan mo `yan.” Tunog Tita na ako na nag-aadvice sa pasaway na pamangkin. “Marami ang naglo-look up sa`yo. Pati mga bata. Umayos ka naman.”
“Angseryoso natin bigla ah. Dahil ba pinost ko ang picture mo kagabi?”
Duh! Siyempre, Hindi! Basta, ayaw ko lang na mas maging negative ang tingin sa kanya ng iba. Hindi kasi talaga siya b***h. I should know dahil mas madalas ko siyang nakakasama nitong mga nakaraang buwan.
“Oh ipopost ko na `tong pogi ka. Happy?” pinakita niya ang picture ko kanina. Infairness pogi nga naman talaga ako. “Anong magandang caption? With my pogi alalay?” saka ito tumawa.
“Subukan mo.” Warning ko sa kanya. “Angpogi ko tapos alalay mo lang ako? Lugi naman ako doon. Tatanggalin ko kaya name mo sa workshop ni Tita?” pagbabanta ko din sa kanya.
Sinimangutan na naman niya ako. `Yan! May pam-black mail na ako sa kanya. De nanahimik din! Aliw na aliw ako sa pag-scrub sa paa ko. Dadalhin ko nga si Tita ditto minsan. Sumandal ako nang inumpisahang imasahe ang paa ko hanggang binti. Napakasarap! Kung mas dadami pa ang pera ko gagawin kong every two weeks ang pagpamper sa akin sarili. Self-love ba.
“Pan…”
“Hmm…” Sagot ko naman habang nakapikit. “Ano na naman?”
“Saan tayo after nito?”
“Uuwi na tayo. Umay na ako sa mukha mo. Kung alam mo lang.” Aray naman! Napaigtad ako kasi kinurot niya ako sa braso. “Kaiya naman! Bitaw!” Muntik ko pang masipa itong nagmamasahe sa akin e.
“Sinong nakakaumay?”
Kurot-kurot pa din niya ako. Parang masusugat na ang balat ko.
“Sagot!”
“Wala. Bitaw na. Angganda-ganda mo paano ako mauumay?”
Saka lang niya ako binitawan. Narcissist! Gusto siya lagi bida. Siya lagi maganda. Hinipan ko nga ang parte na kinurot niya. Ampula! Bakat na bakat ang kuko niya e! Mabaog ka sanang babae ka. Hanggang isip ko na lang `yan kasi baka hindi lang kurot ang abutin. Baka matagpuan na lang akong nakahandusaya sa kanto. Haha!
“Pasensya na `Te. Pakituloy na lang. `Yung mare-relax ako nang todo.” Baling ko kay ate masahista.
--
Binibida ni Jeid ang kulay pink niyang mga kuko. Napansin niya naman agad ang pamumula ng kinurot ng Tita niya.
“What happened?”
“Kinagat ng cat.” Natatawa kong sagot dito saka binigyan ng nakakalokong tingin si Kaiya. “Pusang kalye bibi. Sakit nga e.”
Hinipan-hipan niya ito. “Bad cat, Tita. Bad cat.”
Hahaha! Anggaling talaga ni Jeid! Ginulo ko ang buhok niya. “Tama. Bad cat. Sana mabaog ang cat na `yon. Lesgo, magla-lunch na tayo. Saan mo gustong kumain bebe?”
“Guys, may emergency. Pupunta ako sa studio.” Nag-aalalang sabi ni Gael. “Kayo muna bahala kay Jeid ha? Mag-grab na lang ako.”
Hindi pa nga kami nakakasagot ay tumalilis na siya. Nakatingala si Jeid sa amin ni Kaiya habang nakangiti. Hay!
“Tita? Gutom na ko.” Humawak siya sa t-shirt ni Kaiya. “Chicken at maraming ketchup!”
Ngayon ko talaga nararamdaman ang matinding antok. Silang dalawa ang pumila para umorder. Nuknukan ako ng kakatamaran ngayon. Nakapangalumbaba lang ako habang pinagmamasdan sila. Nakakatuwa si Jeid. Nililingon ako saka tinataas ang kanang kamay na parang sinasabi na sandali lang. Hindi naman kasi ako gutom.
Kapag bata talaga happy na sa chicken. Burger lang ang kinakain ko. Panay pa nga ang hikab ko. Kung mabibili lang ang tulog ginawa ko na e. `Yong tablet ba ng 5 hours sleep kunwari. Kapag kinain mo feeling nakatulog ka na ang limang oras. Haha!
Si Kaiya ang bahalang umasikaso kay Jeid. Sila naman ang magtiyahin e. Biruin mo ang babaeng ito, b***h ang imahe sa social media pero maalaga sa pamangkin. Kumuha ako ng ilan sa hinimay niyang chicke.
“Enge Tita.” Panggagaya ko kay Jeid. Haha!
“Subuan pa kita ng buto. Gusto mo?”
Tinawanan ko lang siya. Sadista naman! Napansin kong may bakas ng sauce sa may baba niya. Gawa siguro ni Jeid na panay taas ng kamay kanina.
“Wait. May ketchup ka sa mukha.” Tinupi ko ng dalawang beses ang table napkin saka pinunasan ang ketchup.
Shit. May nag-flask. Napatingin ako sa direksyon na pinanggalingan nito. May tatlong mesa ang pagitan.
“Nakaka-miss kumain sa labas na walang fans na bigla-biglang nagpipicture.” Naisuklay ko ang daliri ko. “Hay naku. Hindi nila alam ang salitang privacy.”
“Sorry ha? Parang kasalanan ko pa?” Inis na depensa ni Kaiya.
Ginaya ko ang expression niya. “Oo. Angdaming lugar kasi bakit dito pa. Pero iniisip ko kasi baka hindi ako pogi sa mga stolen shots nila. Tsk.”
“Walang hiya ka. All I thought your concern is your privacy! Huwag kang mag-alala kahit anong angle maganda ka.”
“Oh God! So pogi ako sa paningin mo? Hahaha!” May halong exaggeration ang reaksyon ko para mas mainis siya. Effective naman. Haha!
Inirapan niya ako. “Mas mayabang ka kay Gael. Sana maramdaman mo `yon.”
Sinubo na ulit ako ng burger. Wala naman akong pakialam kung sinong mag mayabang sa amin. Hindi na nagmamatter kasi olats na ako e. Siya ang mahal ni Jewel.
Sarap na sarap na sa pagkain si Jeid. May ilang pang pasimpleng kumuha ng pictures. Akala nila hindi ko mahahalata? Ganyan din ang trabaho ko e. Ewan ko din ba naiirita ako sa mga basta-basta kumukuha ng pictures e minsan ganyan din ang trabaho ko lalo kung kailangan ko ng matinding scoop para sa isang pasabog na column. Hay. Tama nga kasi ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. Haha.
Nakapangalumbaba na naman ako. Nagrequest pa kasi ng sundae at spaghetti si Jeid. Nalipasan ba naman ng gutom. Kawawa naman `to. Tubig-tubig na lang ako dahil mabilis akong nabusog. Inubos ko `yong tiring chicken ni Jeid.
“BMI mo, Kaiya.” Puna ko sa kanya. Sinasabayan niya ng kain si Jeid e. Sumubo ako ng fries. “Kalmahan mo naman. Huwag mong sabayang si Jeid. Tataba ka niyan.”
“Manager na kita ngayon?” irita nitong sagot. “At hindi naman laging ganito.” Sumubo pa siya ng spaghetti.
“Ikaw din. Kapag tumaba ka hindi ka na magkakajowa.” Biro ko sa kanya.
“Ihanapan mo ako ng jojowa sa akin. Babayaran kita.” Tumaas ang tainga dahil sa pera! Haha.
“How much ang rate?” Haha! Nagtaas-baba ang kilay ko. “Mataas ang rate ko. Haha!”
“Tita, what’s jowa?”
Pareho kaming napatigil ni Kaiya sa tanong ni Jeid. `Yong mukha niyang inosente, dagdagan pa ng kalat-kalat na spaghetti sauce sa paligid ng labi.
“Is jowa like Mommy and Tita Gael?”
“Yup.” Tumango din ako.
Masama ang tingin sa akin ni Kaiya.
“What? Hindi naman masama na sabihin sa kanya ang totoo.” Depensa ko sa sarili ko. “Jowa is boyfriends and girlfriends. May love.”
“You and Tita Kaiya, jowa?”
Hahaha! Ay sorry. Napalakas ang tawa ko. Napatingin tuloy ang ibang customers sa amin. “No bebe. We’re not. We’re friends. Like friend ko din Mommy mo. Kumare kami.”
Haha! `Yung kumare talaga. Natatawa ako sa sarili ko. Gan`un din si Kaiya. Napaismid saka sumubo ng sundae.
“Pero you don’t call Tita kumare. Why?”
“Ah basta. Kumain ka na lang.” sinubuan ko siya ng isang piraso ng fries. “Kain ka marami ha? Nang makauwi na tayo. Inaantok na ako.”
Nag-ring ang phone ni Kaiya. Nakipag-usap siya nang ilang sandali. Mukhang hindi pa kami makakauwi. Malas talaga. Binaba na niya ang phone niya sa mesa. Magsasabi pa lang siya inunahan ko na.
“Okay. May pupuntahan tayo? Saan? Lubus-lubusin mo na at ilang araw akong magpapakalayo-layo.”
Naningkit na naman ang mga mata niya. “Can you please be mabait din kahit konti sa akin?”
“Huwag tayong magbilangan ng kabaitan. Matatalo ka lang.” Kinuha ko ang coke niya at pinalit ko ang tubig. “Too much sugar ka na. Magtubig ka na lang.”
Para sa isang idol need din niyang i-maintain ang kanyang figure. Baka masisi pa ako ng mga fans niya kung tumaba siya. Haha. Diyos ko! Angwarfreak pa naman ng iba. Baka magising ako isang araw may welga na sa harap ng bahay ko no.
Ipako sa krus si Roxie! Defend kaiya at all cost!
Masisira tuktok ko kapag may ganyan akong makikita sa harapan ng bahay ko. Haha! Ibaon ko pa silang lahat sa sementadong kalsadahan.
Tulog na si Jeid sa kandungan niya. At kanina pa ako nagsasawa sa Coco Melon na paulit-ulit nang nagpi-play. Kapag nililipat ko kasi ng music nagigising si Jeid at tinotoyo. Hay naku!
“Seryoso ako. Huwag mo muna akong kulitin ng ilang araw at kailangan ko ring kumita.” Sabi ko dito habang nasa kalsada ang pansin ko. “May iba ka pa namang friends `di ba? Sila muna abalahin mo.”
“E bayaran ko na lang ang per day mo.”
“Gagi! Ano akala mo sa akin friend for hire?” Nag-red ang ilaw ng traffic lights. “At ba hindi mo kakayanin ang per day ko. Haha! Yabang ko pa lang tawsan-tawsan na ang presyo. Nga pala, ingat ka sa paglabas-labas. Idol ka. Lagi mong tandaan `yan.”
“Angseryoso natin bigla ah. Oo nga. Feeling mo naman hindi ko kayang i-handle ang sarili ko.”
Kung alam mo lang Kaiya! Marami na akong na-block na bashers mo! Keyboard warrior na rin ako e. Nakaka-abs na ang daliri ko sa kakadutdot ng keyboard at cellphone.