Chapter 23 “What are you doing here?” Napaigtad sa gulat si Luna nang marinig ang boses na iyon. Si Amy. Nakatayo at nakapamaywang sa harap niya. Nagtaka siya kung bakit naroon ang dalaga sa mansion ng binata. “B-Bakit ka nandito?” utal na tanong ni Luna sa dalaga. Ngumisi ito sa kanya. “Well,” mayabang nitong wika. “Dahil gusto ko. Bakit?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kanya. Kumunot ang noo ni Luna. Kailan pa pumayag si Cameron na may matulog na ibang tao sa mansion nito. Hindi siya makapaniwala. “S-Seryoso?” naninigurado niyang tanong. Tumango ito. There is something urging Luna that this is big. Something big and she wants to know what Amy did to Cameron. Gusto niyang malaman kung ano ang sekreto ng binata at kinaya nitong makipagplastikan sa dalagang si Amy. Umiling-i

