Chapter 22 “Grrr!” inis na singhal ni Amy habang pinagkikiskis ang kanyang mga palad. Galit na galit siya dahil hindi siya sinipot ng binatang si Cameron. Hindi niya alam kung saan ito hahagilapin. Wala siyang alam kung saan ito pumunta at kung ano ang pinagkakaabalahan nito ngayon. “Calm down, Amy! Ano ba kasi ang nangyari sa iyo at bigla ka na lang sumugod doon? You look stupid, Amy! Nakakahiya ka!” pangangaral sa kanya ng kaibigan niya. Inis niyang binalingan ang kaibigan. “I know!” malakas niyang singhal. “Napahiya ako roon! I look pitiful in front of them!” asik niyang dagdag. Hiyang-hiya siya. Proud pa naman siya kanina dahil magkasama sila ng binata tapos iiwanan lang siya nito sa ere. “You are so funny, Amy. Tsk! Tsk! Tsk!” “Quit laughing you moron!” “Whatever! You’re stil

