Chapter 21 Nagulat si Luna nang lumapit sa kanila ang binatang nagpakilalang Jacob. Mas ikinagulat pa niya ang ibinunyag nito. Naguguluhan niyang binalingan ng tingin si Solene na nakanganga sa kanya. Halata rin sa mukha nito ang gulat. “Siya ang boyfriend mo?” naniniguradong tanong ni Luna sa kaibigan. Tumango ito bilang sagot. “What? Seryoso ka ba?” nandidilat niyang tanong dito. Ngumiti lang ito sa kanya. “Totoo, Luna. Siya ang sinasabi ko sa iyo,” natutuwa nitong sagot. Nanlaki ang mga mata ni Luna pagkatapos nang kompirmasyong iyon. “Akala ko ay hindi niya totohanin ang sinabi na mag-aaral siya rito,” dagdag pa nitong wika. Hindi siya makapaniwala na nakabingwit nang ganito kaguwapong lalaki ang kaibigan. Kung titingnan ay mas malaki ang katawan ni Cameron kaysa sa lalaking ito.

