Chapter 20 “What happened last night?” intrigang tanong ni Emily kay Luna nang makita niya itong nagising na. Ang dalaga naman ay nakasimangot at halata sa mga mata nito ang lungkot. “Huwag mo akong kausapin. Wala ako sa mood,” mataray na sagot ni Luna sa kapatid. Napaismid lang si Emily at hindi na pinansin pa ang dalaga. Kaagad na bumangon si Luna nang magising ang kanyang diwa nang tuluyan. Mabagal niyang niligpit ang kanyang higaan at inayos iyon nang maigi kahit pa mukhang mabibigat ang kanyang mga kamay. Matamlay siyang lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Hindi niya pinapansin ang nakakunot ang noong si Emily na animo'y nagtataka ito sa mga ikinikilos niya. “Huwag mo akong titigan,” malamig banta rito. Umismid lamang ang kanyang kapatid. “Psh! Whatever!” Hindi rin sila

