Chapter 17 Ilang araw ang nakalipas at bumalik na sa dati ang lahat. Sinundo ni Cameron si Luna at sabay silang pumasok sa eskuwela. Ang dalagang si Solene naman ay nawawalan na ng oras na makipagkita kay Luna dahil may pinagkakaabalahan itong iba. Hindi naman iyon pinapansin ng dalaga dahil kasa-kasama naman nito ang nobyong si Cameron. Si Nanay Esme naman ay magbabakasyon sa ibang lugar. Nalaman kasi nitong may natitira pa itong kamag-anak at gusto ng mga itong makasama ang kanilang kapamilya. Masaya si Luna dahil kahit papaano ay hindi pa pala nag-iisa ang babaeng itinuring niyang ina. Inihatid niya ito sa sakayan ng bus at hinintay itong makaalis bago siya bumalik sa bahay. Wala naman siyang masyadong ginagawa maliban sa panaka-nakang pag-iwas sa dalagang si Amy dahil kung ano-ano an

