Chapter 18 Bugnot na bugnot na bumangon si Luna nang magising kinaumagahan. Inayos niya ang kanyang higaan. Wala na sa tabi niya ang kapatid at hindi man lang ito nag-abalang magtupi ng sariling kumot. Pinulot pa niya iyon mula sa sahig. Dahil wala naman siyang aasahan sa dalaga maliban sa pagiging bossy nitonsa kanya ay kaagad siyang bumaba at naglakad papuntang kusina. “Emily!” malakas na tawag ni Luna sa kapatid ngunit wala siyang narinig. Hindi niya rin ito mahagilap. “What?” biglaang tanong nito sa kanya. Nagulat pa si Luna dahil bigla lang itong sumulpot sa harap niya. “Saan ka galing?” nagtatakang tanong niya sa dalaga. Nagkibit-balikat ito. “Why? I jogged outside,” iritable nitong sagot. Napasinghap si Luna. “Mabuti naman at nakauwi ka pa,” mataray niyang saad. “Huh? Why?

