Chapter 36 “Bakit nakasimangot ka?” nagtatakang tanong ni Luna sa kapatid na si Emily nang makita niya ito. Kabababa niya lang galing sa taas. Nasa kusina ang dalaga at nagtitimpla ng kape. “Nothing,” malamig nitong sagot. “Nasaan si Nanay?” usisa niya nang mapansing wala roon ang ina. “Umuwi na. Mauuna na raw siya at may gagawin pa siya sa bahay,” tipid na sagot ng kapatid. Pinagmasdan ni Luna ang dalaga at mukhang wala ito sa hulog. “Bakit pa rang bad mood ka? What's wrong?” nag-aalalang tanong niya. Bumuntonghininga ito. “Really, Luna?” naiinis na tanong nito sa kanya. May gustong sabihin ang dalaga ngunit nito masabi at para bang nahihiya pa ito. “Bakit na naman?” inosente niyang tanong na lalong ikinataas ng dugo ng kapatid. “You're too loud last night!” pabulong nitong sin

