Chapter 37 “Hmp!” daing ni Luna nang may biglang tumakbo at yumakap sa kanya. Mahigpit iyon at nahirapan siyang huminga. Hanggang sa isa-isang lumapit sa kanya ang iba pa. Hindi siya makapaniwala. “Hey! Easy!” awat sa kanila ng kanyang kasamang si Cameron. Hinila siya ng binata palayo sa mga ito. “She’s tired,” anunsyo nito kaya naman nagsipag-ungulan ang kanyang mga kamag-anak. “Possesive as always,” komento ng kanyang mga pinsang lalaki. Masaya silang iginiya ng mga ito papunta s sa isang upuan. “H-Hello,” nahihiyang bati ni Luna sa mga ito. Hindi pa man siya nakakaupo ay hinila na siya ng mga pinsang babae ni Cameron na ikinagulat niya. “Whoa!” nahihintakutang sambit niya dahil pakiramdam niya ay gigisahin siya ng mga ito. “Dito tayo,” anang babaeng nakahawak sa kanyang braso. T

