Chapter 38: Birthday party Maagang nagising si Luna kinabukasan. Dahil himbing pa sa pagkakatulog ang kanyang katabi ay maingat siyang bumangon upang hindi ito magising. Patingkayad siyang naglakad palabas ng kuwarto. Dumaan siya sa pinto kung saan siya pumasok kahapon. Saka pa lang niya napagtanto na iisang banyo lang pala ang pagitan sa silid nila ng binata. Maingat niyang isinarado ang pinto saka naghagilap nang maisusuot sa kanyang mga gamit. Maliligo na siya. Nagugutom na rin siya at kailangan niyang hanapin ang kusina upang makahanap nang puwedeng pampainit sa kanyang tiyan. Pagkatapos niyang mag-ayos ay lumabas na siya ng kuwarto. Naglalakad siya sa pasilyo nang makita niya ang dalagang si Rosie. Kumaway ito sa kanya nang makita siya ng dalaga. Nakangiti siya nitong hinintay. “

