Chapter 27 Mahihinang katok ang pumukaw sa atensyon ni Solene isang gabi. Wala siyang inaasahang bisita kaya naman nagtaka siyang may kumakatok sa kanilang saradong pinto. Wala rin ang kanyang mga magulang dahil bumisita ang mga ito sa kanilang kamag-anak at sa susunod na linggo pa ang mga ito uuwi. Sino kaya ’to? Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pinto at sumilip siya sa maliit na butas upang makita niya kung may tao ba sa labas. Mayroon. Lalaki. Nakayuko ito at parang nanghihina. Nang mag-angat ito ng paningin ay napasinghap siya nang makilala ang lalaki. Mabilis niyang binuksan ang pinto upang papasukin ang binata. “Jacob!” bulalas niya nang makita ang hitsura nito. Magulo ang buhok ng binata, may mga galos ito sa katawan, at may mga maliliit din itong sugat. “Ano ang nangya

