Chapter 26: Solene meets Jacob Maagang pumunta ng palengke si Solene. Nautusan kasi siyang mamalengke ng kanyang magulang at parehong may sakit ito ngayon. Siya lang ang inaasahan ng mga ito lalo pa at siya ang panganay na anak ng pamilya. Bitbit ang isang basket, namili siya ng karne ng baboy at isda. May sarili naman silang taniman ng gulay kaya hindi na niya kailangan pang bumili niyon. Mayroon na rin silang sariling tanim ng mga panrekado kaya hindi na rin niya iyon kailangang bilhin. Naisipan niyang mamili ng iilang peraso ng prutas. Nang masiyahan sa nakita ay kaagad siyang bumili nang pampalamig sapagkat masyadong mainit ang panahon sa araw na iyon. Napangiti siya nang makakita ng tindahan ng ice cream. Maliit lamang ang tindahang iyon ngunit sapat na iyon sa ganoong kaliit na ku

