Chapter 25 Cameron was standing in fromt of the bakery when suddenly Amy flung into him. It caught him off guard. Buong maghapon siyang hindi nagpakita sa dalaga tapos heto ito ngayon, naka-angkla ang mga kamay nito sa braso niya habang sabay silang naglalakad pauwi. Wala siyang magawa kundi sundin ang mga gusto nito. Sa ngayon, kailangan na muna niyang sumunod. Nanginginig sa galit ang kanyang mga kalamnan nang makita niya ang grupo ng dalagang sabay na naglalakad. Ayaw niyang makita ang reaksyon ng dalagang si Luna ngunit hindi rin naman niya ito maiiwasan. Iisang daan lang ang tinatahak nilang lahat at imposibleng hindi niya ito masulyapan kahit saglit. Sa isang sulyap niya ay napansin niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng dalaga. Gusto niya itong lapitan ngunit hindi niya magawa

