bc

My Childhood Lover Turns Into My Forever (Tagalog)

book_age16+
15
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
friends to lovers
badboy
sweet
bxg
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Prolouge:

Naglalaro kami ng kaibigan ko sa labas ng bahay namin. Bigla s’yang lumapit sa’kin, at sabay sabi ng “Ate! Ate! Crush ko yung lalaki doon, yung nandoon sa bahay ni ninang Lanie”

“Ha? Saan? Tingin? Gwapo ba?” nacurious ako, syempre baka pogi.

Hinila n’ya ako papunta kung nasaan yung crush n’ya. “Ayun oh! Hihihi ang tangos ng ilong nya”

Pagkakita ko sa lalaki. Eh? Yan ba yung crush nito? Eh kakilala ko yun eh, di naman ako napopogian doon. “Ah oo, kilala ko yan.”

“Ha? Paano mo nakilala?.” Takang tanong nya.

“Dati ko s’yang classmate. Di naman ako napopogian d’yan. Di kami close che.” Ano bayan akala ko naman kung sino, akala ko sobrang pogi. Hays umasa ako doon ah. “Tara laro na tayo.” Saka hila ko sa kanya palayo sa lugar nayon.

Pero hindi ko alam, na sa lalaking yun ako maiinlove ng ganito....

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Ahh malapit nako malate." Inis na sigaw ko habang naglalakad palabas ng village namin, hindi kasi ako sanay ng nalelate ako. Feeling ko hindi ako belong sa classroom pagganon. Pagkadating ko sa room, wala pa si ma'am, hay salamat naman!! Hmm di pa pala ko nagpapakilala, by the way, I'm Mauvianna Montilla, 18 years old, pero maagang lumandi hahahaa char. "Be, sabay tayo uwi ah." Sabi ng bff kong si Sandara, malapit lang kasi bahay namin sa isa't isa kaya always kaming sabay, nalate lang talaga ako kanina kasi late narin ako nagising, napuyat ako, nag-away kasi kami ng boyfriend ko. Yes, you heard it right, I have a boyfriend, almost 2 months na kami, nothing serious, parang ayaw na kasi magseryoso sa relationship, baka lokohin ako. Kawawa naman ako. "Oo sige lang." Sabi ko naman. "Bakit ka late? Himala ah." Takang tanong n'ya. "Nag-away kami ni Nico, ewan ko dun parang tanga." Sagot ko, nakakainis kasi eh para s'yang tanga. Nastress ako sa kanya eh hahahaha. "Ahh kaya." Tugon n'ya at hindi na nagsalita pa, may dumating kasi na teacher. Uwian na, yeheey makakapagpahinga na'ko, makakapagbabad na'ko sa f*******: hahahahaha. Sabay kaming umuwi ni Sandara. Pagkauwi ko, nagpalit ako agad ng damit pambahay, atsaka nahiga para matulog saglit. "Hmmmmm." Ungol ko sabay unat, sarap talaga matulog. Kinuha ko ang cellphone ko at saka nag-online sa second account ko. Ting! Jeixz Montero: Maui imissyouuuuuu Oh? Ang malupit kong ex nagchat hahaha. Bakit ex? Kasi ganito yan. Okay flashback, pasok!! *FLASHBACK* Nagbakasyon ako sa probinsya para may makatulong si mama kasi malapit na s'yang manganak. Kay lola ko talaga ako nakatira, alam n'yo naa, lola's girl. Kinuha ako ni lola kay mama. Pero ngayong malapit na s'ya manganak, inuwi n'ya ako kay mama. Inutusan ako ni mama na bumili ng kape para sa stepfather ko. "Be, bili ka kape ni papa mo." 12midnght na ahh, may bukas pa kaya na tindahan? "May bukas pa po ba na tindahan ma? Anong oras na eh." Tanong ko. Ba't naman kasi gabing gabi na magkakape pa hahahaha, joke lang, nag-aayos kasi si papa ng pool (yung parang billiard). "Oo may bukas pa, doon kala ate Linda, bilisan mo baka magsara." Inabot n'ya yung pera at kinuha ko naman at umalis nako. Pagdating ko sa tindahan, nakatambay yung mga pinsan ko at kaibigan ko. "Ayan na ayan na!" Tuwang fuwa si Jeixz ng makita ako, sabay palakpak pa. Akala n'ya natutuwa ako sa kanya. Inis akong inirapan s'ya, at di ko sila pinansin, ewan ko ba feeling ko pinagtitripan nila ako. "Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito..." kanta ng kumag na si Jeixz. Ano bang kinakanta kanta nito? Anong nakasulyap? May kulangot ba ako na nakadungaw? Napakaepal eh. Pagkabili ko ng kape tumakbo na ako palayo sa kanila. "Hehehehe ang cute n'ya tumakbo." Naring ko pang sabi ni kumag. Naiinis talaga ako sa kan'ya pakiramdam ko palagi n'ya akong pinagtitripan. ..... "Mauvianna, pwede ka daw ba ligawan ni Jeixz? Pinapasabi n'ya, nahihiya daw s'yang lumapit sa'yo." Sabi ng pinsan n'ya. Aba aba aba, trip na naman ako nito ah. "Study first ako eh. Hmmm di ko alam." Sabi ko, di ko talaga alam eh, wala akong alam sa gan'yan. Pero inaamin ko nagkakaroon na ako ng feelings sa kan'ya lately. Mga 5% ganon. ..... "Hmm oo sinasagot na kita." I found myself sa harap ni Jeixz at sinasabi 'tong mga 'to, kinain ko din yung sinabi kong study first hahahahaha. "Talaga?" Ngiting ngit s'ya. "Yes! Yes! Yes!." Hinawakan n'ya ang kamay ko at nagtatatalon. Ito yung first time na hinawakan n'ya yung kamay ko. ..... "Maui, uuwi nako sa'min." Nagbakasyon lang din kasi s'ya dito sa probinsya. "Uuwi nako sa Cavite. Hindi ko alam kung babalik pa'ko dito." Malungkot na sab ni Jeixz. "Uuwi na'rin ako eh. Parehas lang naman tayo sa Cavite hindi lang natin alam kung saan nakatira ang isa't isa." Hindi ko kasi alam kung saan kami sa Cavite, basta alam ko Cavite lang. "Saka magkikita pa tayo, uuwi tayo dito sa probinsya at magkikita tayo." "Wala kabang f*******: account?" Tanong n'ya "Para makakachat kita kahit nasa malayo ako." Dagdag n'ya. "Wala eh, hindi ako marunong gumamit nun hehehehe." Wala akong alam sa social media. 15 years old palang ako, ang alam ko lang puro laro. "Sayang naman, basta babalik ka dito ha, babalik din ako, makikita pa tayo." Nakangiting sabi n'ya at ngumiti din ako sa kanya. ..... Nakauwi na rin ako kala Lola. Ilang months yung lumipas, wala kaming communication ni Jeixz. Hindi ko pa rin alam kung paano gumawa ng f*******: account. Ilang months na puro s'ya ang bukambibig ko sa mga kaibigan at kaklase ko. Anobayan ang bata bata ang harot harot. Sabagay, love has no age. Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si tito na naglalaptop, nagpaturo ako kung paano gumawa ng f*******: account. Nang makagawa na ko, kinakabahan ako na excited. Sinearch ko agad si Jeixz, at nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nakita ko... May girlfriend s'ya? Pero di'ba ako ang girlfriend n'ya:? Ako ang nauna. Dali dali kong chinat si Jeixz. MAUVIANNA MONTILLA: Hi!! JEIXZ MONTERO: Hello, sino ka? MAUVIANNA MONTILLA: Ako 'to si Maui, girlfriend mo. JEIXZ MONTERO: Ha? Hindi kita kilala, si Ellaine ang girlfriend ko hindi ikaw, wag kang feelingera. Kung sino ka man, kung gf ka man, break na tayo! ~you can't reply on this conversation~ Yun na yun? Grabe, niloko n'ya ako. Pero paano n'ya nagawa 'to? Nangako s'ya na magkikita pa kami eh. Pinagmamalaki ko pa naman s'ya sa mga kaibigan at kaklase ko tapos biglang ganito?. Ang sakit naman. Ba't ba ako naiiyak. Ano ba Maui, tumigil kaa. Break pala ah, osige!. *END OF FLASHBACK* Rereplyan ko ba'to? Hays, sige na nga, as a friend lang. Mauvianna Montilla: Miss amp hahahaha. I logged out may second account and open my main account, taray no? Ang daming account hahahaha. Pero ang madalas ko gamitin ay yung main account ko syempre. Yung second acc ko bihira lang, pang backup ko lang yun. The day passed, at hindi ako mapakali, bakit ba nakucurious ako kung nagreply ba si Jeixz sakin?. Hays! Maui, focus kalang kay Nico, s'ya ang boyfriend mo anuba! Aish!! Hindi ko na matiis, nag log in ako sa second account ko and nagpunta sa message. Jeixz Montero: miss na kita kamusta ka? :)) Jeixz Montero: Mauiiii? Jeixz Montero: maui mag online ka hehehehe Mauvianna Montilla: unblock moko sa main account ko, dun ako active hindi dito hehehe. Nilog out ko na, at maya maya lang may nag sent request sakin, si Jeixz. Inaaccept ko agad. Jeixz: Maui kamusta ka? Akala ko hindi na kita makakausap eh Mauvianna: Okay naman, ikaw kamusta layp? Kamusta kayo ng gf mo? Jeixz: Hindi ako okay lately pero ngayon kausap na kita, okay nako. Gf? Wala akong gf no. Mauvianna: LOL! Kakastalk ko lang sa'yo, may gf ka kaya ni Airine, Ay wait wala na kayo ni Ellaine?" Jeixz:Wala na matagal na, saka di ko na yan gf ni Airine, break na kami. Mauvianna: Eh bakit bio ka n'ya sa f*******:? Jeixz: Ewan ko, papansin yan eh. Ikaw available kaba? Mauvianna: Hindi, may bf ako, si Nico Cruz. Jeixz: Awww ;( panghuli na ko sa pila. Mauvianna: Anong pila pinagsasabi mo? Jeixz: Basta! Hihintayin kita maging available. Mauvianna: Che! Jeixz: Hahahahaha, anong name ng bf mo sa f*******:? Gusto ko s'ya maging friend para matuwa ka sakin. Mauvianna: Nico Cruz, ayan, oo mabait yun ehehehe. Jeixz: Swerte naman n'ya, nasa kanya pangarap ko. Sige na bye na. Baka magalit bf moo. Sineen ko nalang at hindi na nireplyan pa. Totoong inistalk ko s'ya. At may nakita akong babae na Airine pangalan at nakalagay sa bio nya ay "Jeixz Montero" with matching padlock pa. Che. Chinat ako ni Nico. Nico Cruz: Hi mahal. Kamusta ka? Mauvianna: Okay lang po. Nakausap ko yung kababata ko na exbf ko. Gusto ka n'ya maging friend. Nico: Yun ba yung Jeixz Montero na lagi mong kinukwento? Inadd n'ya ako sa sss. Mauvianna: Oo s'ya yun. Mabait yan, usap kayo heheehehe. Nang magsawa na ko makipagchat, nagpahinga na ako. [CRIIIINGGGGG CRIIIIINGGGG] Uggghhh umaga na naman, papasok na naman. Anu ba yan nakakatamad, huhuhuhu. Nag-asikaso na ako at pumasok. "Be may chika ako." Bungad ko kay Sandara pagkaupo ko sa tabi n'ya. "Anes yon?" Basta chika talaga to hindi papahuli hahahahaha "Chinat ako ni Jeixz." Tinakpan ko tenga ko kasi alam kong tititli sya. "IIIIHHHHHHHHHH" tili n'ya. "OMG OMG! Yung ex mong gwapo? Yung childhood lover mo?" Sunod sunof n'yang tanong. "Oo be, ano ba wag ka kang kiligin, may bf ako okay? At mukhang may gf s'ya." Medyo inis na sabi ko. Ewan ko hindi ko alam kung bakit ganito ako magreact. "Eh bat parang disappointed ka? Umasa kaba na babalikan ka nya?." Nang-aasar pang sabi n'ya. "Anong disappointed, wala akong pake no." Inirapan ko s'ya. "Tss ikaw nga walang jowa." Asar ko sa kanya. "Aray ah! Ouch." Sabay hawak sa dibdib n'ya. "Eh bat ganyan ka magreact? Umasa kaba? Umasa kaba na babalikan ka? Umasa kaba be umasa kaba? Okay lang yan, asa kalang." Asar n'ya pa lalo. Dumating na yung teacher namin kaya natigil kami sa pag kukwentuhan. Aaminin ko, simula nng chinat n'ya ako, hindi na s'ya nawala sa isip ko, bakit ganito? Ano bang nangyayari sakin?.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook