IX. Mga Paano Kung

1992 Words
Matapos ang bagong taon ay bumalik na ulit kami sa aming kanya-kanyang mga buhay. Abala sina Ellie at Hannah sa pagpa-plano ng kanilang kasal. Si Prince naman ay sinusulit ang kanyang bakasyon, tuwing day off ni Mary Grace ay lagi silang nagde-date. Isang umaga ay namimili ako sa supermarket nang maaninaw ko sa counter ang babaeng kulay mais ang buhok. Lumapit pa ko ng konti at nakompirma ko ngang si Hannah 'yon na may kausap sa telepono niya. Hinanap ko sa paligid si Ellie ngunit hindi ko siya nakita. Lumakad na akong papalapit sakanya dahil kumpleto na din naman ang mga pinamili ko at para kamustahin na din siya. "There's nothing to worry, she have no idea." narinig kong sabi ni Hannah sa kausap niya bago napalingon sa akin na may nanlalaking mga mata. Bigla siyang nagpaalam sa kausap niya na tila natatarantang ibinaba ang mobile phone na hawak sabay ngiti ng pilit sa akin. "He-Hey, how long have you been there? I-I never thought I'll find you here." aniya sa'kin na nauutal sa 'di ko malamang dahilan. "We ran out of spices at home." sabi ko sakanya na ipinakita ang basket ko. "It's surprising to see you without Ellie." pagpansin ko sa pag-iisa niya. "Oh she's at the hotel, resting. Hotel food are boring so I decided to grab something good." Nakita ko ngang pulos karne na pangluto ang binili niya. Inabot na sakanya ng cashier ang plastic bag ng mga pinamili niya "I'm sure Ellie is starving, I'll go ahead." paalam niya na tila nagmamadali. Tumango ako sakanya "Sure-sure. Take care." sabi ko nalang at tuluyan na ngang lumakad palayo si Hannah. Kinukutuban ako ng hindi maganda sa babaeng 'yon, pero wala pa naman akong nakikitang masama na ginawa niya. Hindi naman niya kasalanan kung siya na ngayon ang mahal ni Ellie at hindi ako. Inalis ko na lamang ang isiping 'yon at umuwi na din matapos mamili. Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko si Prince at Mary Grace na masayang naglalaro ng video games sa sala. Pero nang makita nila ako ay agad silang lumapit sa akin, nag mano at kinuha ni Prince ang mga bitbit kong pinamili. "I ran into Hannah at the Supermarket." kwento ko sakanila. "Really? They just went to the Mall yesterday." ani Prince. "Its just Hannah herself." "Oh, okay. Did she already told you?" tanong ni Prince. "Told what?" Muli silang bumalik sa paglalaro ng video games "The wedding date have been moved." wika ni Prince na nakatingin ng diretso sa nilalaro. "Huh? So kailan na?" tanong ko. "Tinapat po nilang Valentine's Day Ma." si Mary Grace ang sumagot. "Yeah, next month that's why they're in a rush." dagdag pa ni Prince. "Why rush the wedding? Mas maganda yung pinaghandaan." komento ni Mary Grace na diretso lang din ang tingin sa tv screen habang naglalaro. "They've been together for eight years now. I think that's enough reason why they want it so badly." sagot ni Prince. "Sabagay." nasabi nalang ni Mary Grace at hindi na nagkomento pa. Napatingin ako sa kalendaryo at nakita muli ang katotohanan na mas lumapit pa ang araw na tuluyan ng maaangkin ng iba si Ellie. Bawat araw na dumadaan ay parang pabigat ng pabigat ang batong nakabara sa dibdib ko. Nililibang ko na lamang ang sarili ko sa restawran at pagbabasa ng libro. Sa bookstore, habang tumitingin ako ng mga libro ay muli ko nanamang nakita si Hannah na nag-iisa sa isang botique, katapat lang ng bookstore kung nasaan ako. Madami itong bitbit na paper bags mula sa mga kilalang brand ng mga damit at pabango. Nag alangan akong lapitan siya at wala din ako sa mood para makipag-usap kaya ibinalik ko na sa mga libro ang aking atensyon. Nasa labas na ako ng Mall nang maalala kong naiwan ko sa package counter ng bookstore ang payong ko, kaya dali-dali kong binalikan ito. Malapit na ako sa bookstore nang marinig ko ang pamilyar na boses sa jewelry store na nilampasan ko. "I think he'll like this." Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Hannah hawak ang isang makinang na kwintas na may palawit na letter A? Hindi ba dapat letter E? Pagtataka ko pero binalewala ko nalang 'yon. "Good choice Mam." papuri ng sales lady na nang uto kay Hannah. Hindi ko alam kung bakit tumigil ako at pasimpleng pinakinggan sila habang kunwari akong tumitingin sa pwesto ng mga relos na katabi lang halos nila. Nakita kong ngumiti si Hannah "I'll take it." aniya at nagulat ako ng makita kong doble na ng kaninang mga bitbit niya ang nadagdag sa kaniyang mga pinamili. Kinailangan niya pa tuloy tumawag ng isang sales man para ihatid siya malamang sa parking lot. Ayokong mag-isip ng hindi maganda pero sa nakita ko ay mukhang may bahong itinatago itong si Hannah. Kinabukasan dinalaw kami nina Ellie sa munti kong restawran. Nagulat naman ang cook kong si Aileen ng malaman na lesbian couples sina Ellie at Hannah. Hindi ko kasi siya naipakilala noong nakaraan dahil pick season ng Kusina ni Maria. "I hope you always eat here, many delicious foods." ani Aileen sakanila. "Ofcourse sweetie, infact I'm thinking if we can get you guys to cater for our wedding." wika ni Hannah na nakatingin kay Ellie. "Cater daw Madam?" tanong sa akin ni Aileen na sinagot ko lamang ng ngiti. "What do you think Hon?" tanong ni Hannah kay Ellie. Alanganin na ngumiti si Ellie na ipinasa sa akin ang tingin "Kung may discount ba kami eh?" sabay tawa "Joke only." "We can always arrange that." sabi ko sakanila. "Ah-eh..." tinaas ni Aileen ang isang kamay niya "If you need to fix your face, not to mention, me? Also good in make up." sabi niya na may mustra pa ng kamay "My talent fee? Very affordable!" proud na bulalas pa nito, dahilan kaya kami nagtawanan. "I like this girl, what's your name again?" tanong ni Hannah na aliw na aliw sa aking makulit na cook. "Aileen Mam, in english it means pretty cute." pagbibiro pa nito kaya lalo kaming natawa. "Such a beautiful name! I like your nails too." papuri pa ni Hannah kay Aileen na ikinatuwa din nito. Naging masaya ang tanghalian nina Ellie at Hannah ng dahil kay Aileen. Pauwi na sila ng magpaalam si Hannah na magbabanyo muna. Si Aileen naman ay dinala na sa kusina ang kanilang mga pinagkainan kaya kaming dalawa nalang ni Ellie ang naiwanan sa mesa. "Ang swerte siguro ng mga staffs mo sa'yo. Mabait kang boss eh." wika ni Ellie. "Mas ma-swerte ako sakanila." sagot ko sakanya. Bigla kong naalala nung nakita ko si Hannah sa mall kaya sinundan ko pa ang aking sinabi "Ang swerte din ni Hannah sa'yo, spoiled na spoiled." nakangiting ani ko. Natawa siya "Na-noticed mo pala. Deserve din naman niya lahat. I want her to have the best things in the world." Tiningnan ko siya sa mata "She already have it. You." Bumaba ang tingin niya sa mesa na tila nahiya "Joke ba yan?" aniya. "Alam mo naman na tumanda na ako ng ganito, pero hindi padin ako marunong mag joke." sabi ko sakanya. Mayamaya ay natanaw na namin si Hannah na kausap si Aileen sa gilid ng counter, biglang nawala ang ngiti naming dalawa at dumistansya sa isat-isa. "Naibigay na pala ni Mary Grace sa akin yung sukat n'yo para sa susuotin n'yo sa kasal namin." pag-iba ni Ellie ng paksa, saktong paglapit naman iyon ni Hannah sa amin. "Ganun ba, naku hindi pala dapat ako masyadong magpataba at baka hindi 'yon kumasya sa mismong araw ng kasal n'yo." Natawa si Ellie maliban kay Hannah na nakatingin sa amin na may nalilitong mukha. "We'll go ahead." at tumayo na kami ni Ellie. Hinatid ko sila sa labas, pumasok na si Ellie sa driver's seat, sa kabilang tabi naman niya si Hannah. "Be safe." paalam ko sakanila bago nila sinaraduhan ang pinto ng kanilang sasakyan. Bumaba ang tinted window ni Ellie kaya muli ko silang nasulyapan "I'll see you around." aniya na dahilan ng pag ngiti ko. Paano e naalala ko nanaman noong unang beses na magkita kami sa school ni Mary Grace at Prince. Kahit papaano ay unti-unti na akong nasasanay. Habang palapit ng palapit ang araw ng pag-iisang dibdib nina Ellie at Hannah ay naghihilom na din ang sugat sa aking puso. Kung saan masaya si Ellie, susuportahan ko nalang siya, tulad ng pagsuporta ko kay Mary Grace at Prince. Kataka-taka naman si Aileen na dating madaldal, ngayon ay parang umiiwas sa akin at tila palaging mainit ang dugo sa isang staff namin na si Aaron. Kabataan nga naman. Kaya isang gabi ay niyaya ko si Aileen na makisabay na sa akin pauwi, dala ko kasi ang kotse ni Mary Grace ng araw na 'yon. "Kamusta na si Mae?" tanong ko kay Aileen habang nagmamaneho. Sumilay ang ngiti sa labi ni Aileen ng marinig ang pangalan ng anak. "Naku Madam, sobrang sweet padin. Panay ang yakap kapag dumadating ako sa bahay. Paboritong-paborito pa itabi sa kama yung malaking teddy bear na bigay sakanya ni Mam Hannah." bigla siyang napatakip ng sariling bibig. "Nagkikita kayo ni Hannah?" pagtataka ko. "A-ano po kasi, nagandahan siya sa kyutiks ko kaya tuwing day off nagpapa-manicure at pedicure siya sa'kin." kinakabahan na pagkukwento niya. "Yun lang pala, bakit naman parang takot na takot ka d'yan?" pagpansin ko sa nangangatal niyang boses. "Eh kasi... kasi baka po magalit kayo pag nalaman n'yong ume-extra ako sa iba." Natawa ako "Aileen naman, hindi naman kita pag-aari kaya kung may ibang trabaho ka sa labas ng Kusina ni Maria, okay lang." Ngumiti na tila nahihiya si Aileen "Thank you po talaga Madam." aniya. Paghinto ng namin sa red light ay nagulat ako ng bigla ng humikbi si Aileen at yumuko. "Aileen bakit?! Anong problema?" tanong ko sakanya na hinawakan ang kamay niya. Nanginginig siya at hindi makatingin sa akin. "Madam... hindi ko na yata kaya." "Alin ang hindi mo na kaya? Pwede kang magkwento sa akin, makikinig ako." Sabi ko na nga ba at may bumabagabag kay Aileen eh. Iginilid ko na muna ang sasakyan at baka mapano kami, saka ko siya inalo "Aileen iha." hinaplos ko ang likuran niya habang patuloy ang kanyang pagluha. "Madam, si Aaron po kasi." pagbanggit niya sa pangalan ng isa naming staff. Mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapang ito, ngunit hinayaan kong siya ay magkwento. "Madam ipangako n'yo po sa'kin na maniniwala kayo at hindi n'yo po ako huhusgahan? " pagsusumamo ni Aileen. Lalo tuloy akong natakot sa mga pinagsasabi niya. Tumango ako "Pangako." "Madam kasi naaawa na din po ako sa kaibigan n'yo." Kaibigan? Tiningnan ko siya ng may pagtataka, pero bago pa ako makapagtanong ay sinagot na niya ito. "Si Mam Hannah po kasi at si Aaron. Nahuli ko po sila, may lihim na relasyon sila. Sinuhulan po nila ako ng kung anu-anong bagay para manahimik pero sobra na po kasi." Umiling siya "Hindi na kaya ng konsensya ko." Parang ayaw kong maniwala sa aking narinig, gusto kong isipin na nagkakamali si Aileen. Pero kilala ko siya, palabiro siyang babae pero hindi siya mag i-imbento ng ganung klaseng kwento. Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Magkahalong pagkadismaya at galit ang aking naramdaman. May luhang pumatak sa aking manibela, pinunasan ko na ang mga sumunod na luha at bumuga sa hangin... "PUTANG INA NILA! Tang ina nila! Bakit si Ellie pa'ng naisipan nilang gaguhin!" Nagulat si Aileen, dahil nun lang niya ako narinig magmura at magalit. Ikinalma ko ang aking sarili at muling huminga ng malalim. "Madam, sasabihin n'yo po ba kay Ellie?" tanong ni Aileen. Umiling ako "Hindi ko alam, baka hindi niya ito kayanin." sabi ko. Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon. Iniisip ko palang na labis na masasaktan si Ellie ay nadudurog na ang puso ko. Huwag na huwag lang talagang magku-krus ang landas namin ng maharot na gurang na 'yon, kung hindi ay baka hindi ko alam ang pwedeng magawa ko sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD