“Madel…” at tila musikang nakakalasing ang boses niya sa pagbanggit ng pangalan ko. Hinaplos niya ang mukha kong puno na ng wrinkles ngunit kung tingnan niya ako’y para bang ako ang pinaka-perpektong babae sa balat ng lupa.
Sa aking pagpikit ay tuluyan na ngang nagtagpo ang aming mga labi.
Pareho kaming nagkahiyaan matapos ang nangyaring halik. Bago pa mapunta iyon sa kung saan ay dinampot ko na ang mangkok.
"M-Magluto lang ulit ako ng popcorn.” sabi ko kay Ellie na sumubsob sa yakap nitong throw pillow para itago ang namumula niyang pisngi. "S-Sige."
Hay, ang cute niya padin!
At simula nga ng tumuloy si Ellie sa amin ay walang araw na hindi ako gumagawa ng paraan para mapangiti at maaliw siya. Bawat oras, minuto at segundo ay sinusulit ko na dahil ilang araw na lamang ay babalik na din sila ni Prince sa Amerika. Araw-araw ko din pinapaalala sa sarili ko na huwag ng umasa pa, na ang halik na ‘yon ay wala namang ibig sabihin kundi nalulungkot lang si Ellie ng mga oras na ‘yon. Pero kalahati ng puso’t isipan ko ay nagsasabi ng ‘Paano kung?’
Paano kung pwede pa?
“Anong gusto mong dinner mamaya?” tanong ko kay Ellie habang kausap siya sa telepono.
“Hmm, siguro yung carbonara mo nalang.”
“Nanaman? Hindi ka pa ba nagsasawa dun? Eh nung nakaraang linggo ‘yon na din ang ipinaluto mo.”
Narinig ko ang paghagikgik niya “Eh paborito ko na yata ‘yon. Kaya sige na please? Hindi ko na matitikman ‘yon ‘pag-uwi ko ng Amerika.”
Nalungkot ako sa sinabi niya kaya tumamlay ang boses ko pero hindi naman niya ito nahalata. “Sige na. Carbonara it is.”
“Thanks Madel! Hihintayin kita ah.”
Bahagya akong napangiti sa sinabi niyang ‘yon. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya ng may kasasabikan kang umuwi. Kaya naman pagkababa ko ng telepono ay hinanda ko na agad ang mga sangkap at pasta na gagamitin ko mamaya sa aking carbonara. Nagtataka naman akong tiningnan ni Aileen.
“Napapadalas po ata ang pagluluto n’yo ng hapunan sa inyo Madam.” aniya.
“Ha? Hindi ah. Ngayon lang.” sabi ko.
Ngumiti siya “Alam n’yo Madam simula nung napatira sa inyo si Mam Ellie, nag bloom ka.”
“Anong bloom-bloom ang pinagsasasabi mo?” napailing na lamang ako.
“Hay nako, basta! Alam kong may something!” giit ni Aileen.
Inabot ko sakanya ang sandok na hawak ko “Eto kausapin mo.”
“Madam naman eh! Madam!” angal ni Aileen pero hindi ko na siya muli pang pinansin. Noon pa man ay madaldal na ang batang ‘yon. Masaya siyang kausap ngunit kapag ako ang paksa ay talagang iniiwasan ko siya sa takot na baka ako’y madulas tungkol sa kung ano talaga ako at kung sino talaga si Ellie sa buhay ko.
Matapos kong makaluto ng nirequest ni Ellie na carbonara ay umalis ako ng maaga sa restawran at ibinilin na lamang ito kay Aileen. Sa byahe palang ay nasasabik na akong makita ang mukha niya kapag natikman nanaman niya itong luto ko.
“Pauwi na ako.” Text ko kay Ellie, ngunit hindi ito nagreply. Hindi naman ako nababahala dahil hindi naman talaga siya pala-text na tao kaya madalas ay naiiwanan niya lang lagi sa kwarto niya ang kanyang telepono.
Pagdating ko sa bahay ay siya agad ang hinanap ko.
“Ellie, nandito na ako.”
Nilapag ko ang tupperware ng carbonara sa dining table at saka pumunta sa kusina pero wala doon si Ellie. Baka nasa kanyang silid?
“Ellie?” patuloy na pagtawag ko sa pangalan niya ngunit nalibot ko na ang buong bahay ko ay walang lumabas ni anino ni Ellie.
Sinubukan ko siyang tawagan pero busy ng busy kaya si Prince na lamang ang aking kinontak.
“Hello Prince.”
“Tita Madel?”
“Is your Mom with you right now?” tanong ko sakanya.
“Mom? No. Isn’t she supposed to be there?” pagbalik ng tanong niya.
Napahawak na ako sa ulo ko “No, she was gone when I came home. Don’t you have any idea where she might be?”
“Uhm, I think I know where she is.”
Agad akong umalis ng bahay matapos makausap si Prince. Sumakay ako ng taxi papuntang airport, nananalangin na sana ay maabutan ko pa si Ellie. Ayon kay Prince ay nabanggit sakanya ni Hannah na mauuna nalang itong umuwi ng Amerika kapag hindi padin siya binalikan ni Ellie. Ang kutob namin ay susubukan siyang pigilan ni Ellie sa pag-alis o hindi kaya ay sasama na ito kay Hannah pauwi ng Amerika. Alin man sa dalawa ay kailangan ko siyang maabutan bago siya gumawa ng kadesperadahan sa publiko o makita ko manlang sana siya bago umalis.
Halos utusan ko na ang driver na paliparin ang taxi niya, pero pagdating ko sa airport ay kabiguan lang pala. Nakalipad na daw ang eroplanong patungo sa Amerika. Gusto kong isigaw ng malakas ang pangalan niya, kung pwede lang. At gusto ko siyang murahin kung bakit hindi nanaman siya sa’kin nagpaalam. Pero hangin na lamang ang makakarinig ng mga ‘yon kaya bakit pa.
Muli ay naiwan nanaman akong bitbit ang kahapon na mag-isa.
Umuwi akong lulugo-lugo, daig ko pang namatayan sa sobrang panlulumo. Pagpasok ko ay hindi ko na nagawa pang buksan ang ilaw, kusang bumagsak na lang ang pagal kong puso at katawan sa mahabang sofa. Tanging ang ilaw lang ng poste mula sa labas ang aking tanglaw.
Bakit ba napakadaya ng mundo?
Tahimik akong humikbi para hindi ako marinig ni Mary Grace na malamang ay natutulog na sa kanyang silid. Nangyari na ‘to noon hindi ba? Pero ang sakit padin hanggang ngayon. Napatingin ako sa pintuan ng guest room, ang silid na tinuluyan ni Ellie. Tumayo ako at nilapitan iyon habang inaalala siya. Siguro ay sa silid na ito muna ako matutulog, gusto kong hagkan kahit ang natitirang samyo lamang na iniwan ni Ellie sa kama niya. Gusto kong yakapin ang unan niya para saluhin ang mga luha ko, ngunit pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako sa aking nakita.
“Oh? Bakit mukha kang nalugi d’yan?”
Halos hindi ako makapaniwala, si Ellie! Walang anu-ano ay nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Niyakap niya din akong pabalik at pagkatapos ay pinunasan ng kamay niya ang luhang umagos sa pisngi ko “Ang akala ko umalis ka nanaman.” Ngumiti siya, ngiti na akala ko ay hindi ko na ulit masisilayan “Hinding-hindi na ulit ako aalis sa tabi mo.”
Napalitan ng masasayang luha ang mga mata ko, walang mapaglagyan ang kasiyahan ko sa mga salitang naririnig ko mula sakanya. Gusto kong isipin na panaginip lang yata ang lahat ng ito, hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. Hindi, totoong-totoo talaga. Nandito si Ellie sa harapan ko.
“T-Teka, si Hannah? Anong nangyari? Hindi ba susundan mo siya sa Amerika?” sunud-sunod na mga tanong ko sakanya.
Naupo kami sa paanan ng kanyang kama “To be honest, takot na takot ako ng marecieve ko yung text niyang aalis na siya ngayon pabalik ng Amerika. Gusto ko siyang pigilan o kaya ay sundan dahil ang alam ko, mahal ko padin siya. Nag-usap kami, nagkapatawaran, and it turns out that I am only in love with the memories, not with the person anymore. Sa huli, pareho naming tinanggap na tapos na talaga kami.” kwento niya.
“Ha? Sigurado ka ba d’yan? Baka naman nabibigla ka lang dahil… dahil sa’kin.” sinabi ko na din kahit ako’y nag aalangan.
“Sa desisyon ko kay Hannah? Siguradong-sigurado.” Kinuha niya ang isang kamay ko “Pero dito, gusto ko munang masiguro.”
Nalilito ako sa sinabi niya “Masiguro ang alin?”
“Na ako na talaga ang pipiliin mo.” wika niya na nagpatigil ng pag-ikot ng mundo ko.
Hinigpitan ko ang kapit ng mga daliri ko sa daliri niya “Simula ngayon hanggang magpakailanman, paulit-ulit kitang pipiliin Ellie.” pangako ko sakanya bago ko inangkin ang kanyang labi. Ikinulong niya ako sakanyang mga bisig at dahan-dahan na kaming humiga sa kama. Hiyang-hiya siya ng tanggalin ko ang mga saplot sa kanyang katawan.
“Hindi ka na gaganahan pa sa katawan kong ito.” sabi niya habang nagtatago sa ilalim ng puting kumot.
“Nagkakamali ka, para sa’kin ay ikaw padin ang pinakamagandang obra maestra na nakita ko sa talambuhay ko.”
Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang balikat, pababa sa kanyang bewang, napasinghap siya sa aking ginawa. Bawat kulubot, ugat at pekas sa kanyang balat ay sumisimbolo ng tatag at katapangan niya sa buhay. Hinalikan ko ang mga stretch marks niya sa bewang, tila disenyo ng isang alagad ng sining.
“Mahal kita Ellie, mahal na mahal.” bulong ko sakanya habang sinasamba ang kanyang p********e.