“Kung gusto mo ay doon ka muna sa amin habang hindi pa kayo okay ni Hannah.” sabi ko kay Ellie na nakakatatlong bote na ng beer. Paano ay niyaya niya akong samahan siyang mag inom. Ayaw ko din naman siyang pabayaan na magpakawasak ng mag-isa.
“Seryoso ba yan?” tanong niya.
“Oo naman. Laging bukas ang tahanan naming para sa iyo at kay Prince.”
Tiningnan niya ako ng nakakaloko “Eh baka naman pagsamantalahan mo ako ‘pag wala si Mary Grace ah.”
Muntik ko ng maibuga ang pineapple juice na iniinom ko “Sa tanda kong ito? Psh utak mo ha.” wika ko sakanya. “Tatawa-tawa naman siya na muling sumenyas sa serbidora ng isa pang bote.
“Ellie!” pinandilatan ko siya para suwayin na pero nginitian niya ako “Last na talaga, promise.” pa-cute pa ang loko, ang hirap tuloy lalo mag move on nito! Naku naman!
Masaya ang kwentuhan sa una, pero ang ending iyakan na. Lumang senaryo, ang kaibahan lang ay masyado na kaming matanda para dito o baka hindi lang namin alam noon na posible padin palang ma-broken hearted sa edad na singkwenta. Ang akala ko kasi pag abot mo sa edad na ito ay halos perpekto na ang lahat. Iyong tipong nakita mo na yung taong sasamahan ka habambuhay, yung nanamnamin n’yo nalang sa araw-araw ang tamis ng pagsasama habang ginagabayan sa buhay ang inyong mga supling.
Hindi pala ganon.
Pagkatapos maubos ni Ellie ang huling bote niya ay inakay ko na siya sa passenger’s seat ng kanyang sasakyan.
“Ano ba, let me drive!” pilit niya pero hindi ako nagpatinag. Ako ang sumakay sa driver’s seat bago pa maging biyaheng impyerno ang gabing ito. “Ako na ang magda-drive, lasing ka na.” sabi ko sakanya. “Hindi nga!” reklamo niya na pinapabayaan ko lang. Nang pinatakbo ko na ang makina ng kanyang sasakyan ay napansin kong parang biglang tumahimik? Nilingon ko si Ellie at nakitang tulog na ito. Inabot ko ang scarf niya at kinumutan siya “Hindi ka nga lasing, lasing sa antok lang.” Natatawang sabi ko sa natutulog na siya.
Siguro ay may nangyareng banggaan sa daan dahil na-ipit kami sa traffic. Nakita kong gising na si Ellie na nakatingin sa labas ng bintana. “Magkape ka muna, nag drive through ako kanina at binili ‘yan dahil alam kong maghahanap ka ng kape paggising.” sabi ko sakanya pero hindisiya kumibo.
Mayamaya ay nagulat ako ng magsalita siya. “Siguro ganito talaga ang kapalaran ng mga tulad ko. Laging pinagpapalit sa mga lalake.” Hindi ko nagawang magkomento sa sinabi niya, dahil aminado akong tinamaan. Noon lang ako labis na nakonsensiya sa isipin na ako ang kauna-unahang babae na pinagpalit siya sa lalake.
Pagdating namin sa hotel room na kanilang tinutuluyan ay si Hannah ang nagbukas ng pinto sa amin.
“You can go now Madel, thank you.” wika niya sa’kin na tila itinataboy na agad ako matapos kong ihatid si Ellie.
“No Madel. Wait for me ‘til I finish packing up.” utos sa’kin ni Ellie. Hindi ko alam kung dapat ba akong umalis o hintayin si Ellie kaya nanatili nalang ako sa tabi ng pintuan nila.
“No! You’re not going anywhere. Hon! Let’s talk this out.” Pilit ni Hannah na pinipigilan si Ellie sa pag i-impake niya. Tuloy-tuloy lang si Ellie sa paglalagay ng mga damit sa bag niya. Dahil hindi siya pinapansin nito ay nag walk-out na si Hannah. Ang akala namin ay suko na ito ngunit bigla siyang bumalik bitbit ang mga invitation cards at wedding gown niya “We’re gonna get married. You’ve been dreaming for this for so long. Hon, It’s not him that I love. It was you.” Inilapag niya ang wedding gown sa harapan ni Ellie at niyakap ito “I already realized my mistakes, I already said I was sorry. All I need is another chance and we’ll be happy again.”
Tila tumalab ang mga salitang ‘yon kay Ellie dahilan kaya kinuha niya ang kamay ni Hannah at maluha-luhang hinalikan ito “I love you… so much that seeing you everyday hurts me more. So please just let me. I need more time to think about this matter.” binitawan na niya si Hannah at dinampot ang bag niya pero nagulat ako nang tapunan ako ng masamang tingin nito.
“Really? A time to think or to flirt with that woman?!” sabay duro sa akin.
“What the hell are you talking about?” hindi makapaniwalang reaksyon ni Ellie.
“I am not stupid! I can see the way you look into each other’s eyes.” mataray na saad niya pa.
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil totoo naman na may pagtingin ako sa girlfriend niya, ex na pala. Tinabig ni Ellie ang nakadurong daliri sa akin ni Hannah “You got it all wrong! We’re just friends!”
“Friends?! And you’re leaving me over a friend?!” sigaw ni Hannah.
“I’m not leaving you because of her! I’m leaving because YOU cheated on me!” pagtaas din ng tono ni Ellie, marahil dahil nakainom na din ito kaya matapang niyang nailalabas ngayon ang saloobin niya kay Hannah.
Nagsisigawan na ang dalawa, sa tingin ko ay isang pagkakamali na nandito pa ako. Lalabas na dapat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Prince. Nagulat siya ng Makita ako pero mas nagulat siya sa nasaksihang pag-aaway ng dalawang nanay niya.
“Hey! Shut up! Both of you!” pumagitna si Prince sa dalawa. Si Prince lang pala ang magpapatahimik sakanila. “Tita Madel is here and you aren’t ashamed of yourselves throwing shits like an immature couples in front of her? Come on guys, you’re old enough on this. Can’t you settle things with decency?” Sermon ni Prince.
“I’m sorry son but I’m outa here.” at lumabas na kami ni Ellie sa hotel na ‘yon.
Tahimik lang si Ellie hanggang sa makauwi kami sa aking bahay. Tinawagan ako ni Prince kanina na humihingi ng tawad dahil sa nasaksihan kong pag aaway ng kaniyang dalawang nanay. Nagpasalamat din siya sa pansamantalang pagtanggap ko kay Ellie habang nagpapalamig pa ito.
“Kawawa naman si Tita Ellie. Pati si Prince damay.” sabi ni Mary Grace matapos hatidan ng kumot si Ellie sa guest room.
“Ngayon oo, pero mas kawawa ang nagloko. Dahil posibleng mawalan sila ng taong tunay na nagmamahal sakanila.” paliwanag ko sakanya.
Ngumiti si Mary Grace “Wow Ma, parang motivational words yun mula sa isang Love Guru ah. Kaya naman napaka-swerte sa inyo ni Papa eh.”
“Naku naku, nambola ka nanaman.”
“Pero alam mo Ma, hindi narin po ako nagtataka sa mga nangyare.” aniya na nakatingin sa family picture naming na naka-frame sa dingding. Iyon na ang huling larawan naming na kumpleto bago pumanay si Miguelito at ang Lolo’t Lola ni Mary Grace.
“Bakit mo naman nasabi?” tanong ko sakanya.
Hinaplos niya ang larawan ng Ina ko sa family picture “Dahil ang babae talaga ay para sa lalake. ‘Yon ang laging sinasabi sa’kin ng Lola tuwing dinadalaw natin siya sa Bulacan.” paalala niya sa’kin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na naging malapit noon si Mary Grace sa Ina ko kung kaya may ibang paniniwala siya ngayon na maaaring makasakit ng ibang tao balang araw.
“Kesyo Babae, lalake, bakla, tomboy. Mas mali padin ang panloloko ng isang taong walang tanging ginawa kundi ang mahalin ka.” Iyon na lamang ang sinabi ko bago ko siya iniwan sa sala.
Valentine’s Day.
Ito sana ang araw ng kasal nina Ellie at Hannah. Masaya sana ang lahat na nagdidiwang ng pag-ibig ngunit kabaligtaran ang nangyare. Mabilis na kumalat sa mga kaibigan ni Ellie sa Amerika at Pilipinas ang naudlot niyang kasal. Kanya-kanyang kuro-kuro kung bakit dahil pinili ni Ellie ang manahimik na lang.
“This was supposed to be my special day.” naibulong ni Ellie sa kanyang sarili habang nasa garden siya na nagbabasa ng Reader’s Digest at ako naman ay nagdidilig ng halaman. Nilapitan ko siya at inilapag ang lagadera “Magbihis ka, aalis tayo.” utos ko sakanya.
Sa Hair Salon.
Hindi makapaniwala si Ellie na dito ko siya dinala. Naalala ko kasi noon na tuwing nalulungkot ako sa pagkamiss kay Miguelito ay dito ako niyayaya ni Aileen, huli na nung napagtanto ko na kaya pala ganoon ay para makalibre na din siya ng kulot.
Nagpakulay kami ni Ellie ng buhok na burgundy at pagkatapos ay pumunta kami sa Video City para mag renta ng mga lumang pelikula, bumili ng popcorn at pag uwi ay nagbabad kami sa panunod ng mga pelikulang iyon habang kumakain ng popcorn.
Napatingin ako sakanya habang tumatawa sa aming pinapanuod at hindi ko mapigilang isipin na ganoon siguro ang pakiramdam na maging asawa si Ellie. Napakasaya at nakakabata sa pakiramdam. Pagdampot ko sa bowl ng popcorn ay isa nalang pala ang natitirag piraso. Nakita kong dadamputin na din sana niya iyon kaya nagkatinginan kami “Sa’yo na, pwede naman magluto ulit eh.” sabi ko na nagkahiyaan pa. “Psh, hindi na, mami-miss mo ‘tong pinapanuod natin eh. Sa’yo na ‘to.” Dinampot niya ang natitirang popcorn at isinubo sa akin. Hindi tuloy napigilan ng puso kong matuwa, nagtama ang aming paningin kaya nalunok ko yata ng buo pa iyong popcorn. Muli nanaman akong nalunod sa kanyang mga mata.
“Madel…” at tila musikang nakakalasing ang boses niya sa pagbanggit ng pangalan ko. Hinaplos niya ang mukha kong puno na ng wrinkles ngunit kung tingnan niya ako’y para bang ako ang pinaka-perpektong babae sa balat ng lupa.