Hindi ko lubos maintindihan kung bakit lumisan siya ng wala manlang paalam sa'kin gayong wala naman akong nagawang ayaw niya sa reunion.
Ang buong akala ko'y pinagtagpo kaming muli ng tadhana, ngunit mukhang nagkamali lang ako.
* * *
Nag bente singko anyos na si Mary Grace at isang promotion ang natanggap niyang regalo mula sa kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. Dahil doon ang karinderia namin ay naging restawran na ngayon. Hindi man kalakihan ay presentable naman.
Ang 'Kusina ni Maria.'
Kapansin-pansin din ang pamumukadkad ng kagandahan ni Mary Grace. Kapag tinatanong naman siya ng mga Tita niya kung may nobyo na ba ay lagi niyang sinasabing wala. Wala din naman akong nakikitang binatang nanliligaw sa'king anak.
"Ganda naman!" papuri ni Mary Grace ng makita ang mga makukulay at maririkit na parol sa aming restawran. Lumabas naman mula sa kusina si Aileen na naka-apron "I know right!" proud na sabi nito ng nakangiti, paano'y siya kasi ang may pakana ng mga dekorasyon. Si Aileen ang pinakamatagal na namin na kusinera simula pa no'ng karinderia palang ito. Single mom siya at matanda lang ng isang taon kay Mary Grace kung kaya halos anak narin ang turing ko sakanya.
"Napaka-Artistic mo talaga Ate Aileen! Cook ka ba talaga o Artist?" natatawang tanong ni Mary Grace.
"Ang hirap mag decide eh! Pwede both?!" sagot ni Aileen at saka sila nagtawanan.
Pinabayaan ko na munang magkwentuhan ang dalawang dalaga habang ako ay nagche-check ng inventory. Mayamaya ay may dalawang matandang pumasok na sa tingin ko'y nasa 60s na. Nakakatuwa dahil pinaghila pa ni Lolo ng silya si Lola bago ito maupo. Naalala ko tuloy si Miguelito, ang pagiging mabuting asawa't ama niya sa'min. Inayos ng Lola ang maikling buhok niya na inipit sa likod ng kanyang tenga. Sa sandaling iyon ay tila ba namalik-mata akong si Ellie ang aking nakita.
Nasaan na kaya siya?
Naaalala niya pa kaya ako?
Mga tanong na sa tingin ko'y hindi na masasagot pa, maging sa social network na tagged ay sinubukan ko siyang hanapin ngunit ni anino niya ay wala akong nakita.
"Ma!"
Naputol ang isipin ko sa pagkaway ni Mary Grace sa mukha ko. "Ma naman, kanina pa po kitang tinatawag." nagtatakang sabi niya.
"Naku, sorry 'nak. Ano ba 'yon?"
"Ah-eh gusto ko lang sabihin na baka pwede pong umuwi ka ng maaga mamaya?" aniya na para bang kinakabahan.
"Ha? May okasyon ba akong nakalimutan?" napaisip ako pero umiling si Mary Grace. "Wala po Ma, basta. Papasok na po ako." sabay halik sa aking pisngi "6pm tonight." pahabol niya bago tuluyang lumabas ng resto.
"Anong meron?" tanong ko kay Aileen ng makaalis na si Mary Grace. Ngumiti lamang ito na nagkibit ng balikat at bumalik ng muli sa kanyang niluluto.
Alas singko y medya ng dumating ako sa aming bahay. Naamoy ko agad ang paborito kong pininyahang Adobo ni Mary Grace. Naka-set na ng maayos ang dalawang plato at kubyertos sa hapag.
"Ma! Ang aga mo. Buti pala maaga din akong nakaluto." wika niya na inilapag ang Adobo sa hapag.
"Eh ano ba kasi ang okasyon?" tanong ko.
"Kailangan ba may okasyon para ipagluto kita ng pininyahang Adobo?" tanong niya na may matamis na ngiti.
Nagtawanan kami at niyaya niya na akong maghapunan. Muli naming napag-usapan ang masasayang ala ala ng kanyang Papa hanggang sa unti-unti kaming naubusan ng kwento, nilalaro ng tinidor niya ang natitirang pagkain sa kanyang plato na para bang may iniisip na malalim.
"Nak, okay ka lang ba?" tanong ko.
Ngumiti si Mary Grace "Opo Ma, mas okay pa po sa okay." sabay hinga ng malalim. "Ma..."
"Kung ano man 'yan handa akong makinig." wika ko sakanya.
"Naaalala mo pa ba si Prince?"
Napa-amang ako sa'king narinig. Isang Prince lang ang kilala ko. Napalunok ako ng laway "Sinong P-Prince? nauutal kong tanong sakanya na natutulala.
"Yung anak po ng bestfriend n'yong si Tita Ellie."
May kabang 'di ko maintindihan sa dibdib ko ng marinig kong muli ang pangalan niya. "Si Ellie at Prince... kamusta na sila?" naitanong ko ng wala sa isip.
"Okay lang sila Ma. Pero ang gusto kong pong sabihin ay si Prince po."
Naguguluhan ko siyang tiningnan. Gusto ko pang magtanong tungkol kay Ellie ngunit mas gusto kong malaman ang dahilan kung bakit niya nabanggit ang mga ito kaya hinayaan ko siyang magsalita.
"Ma 'wag kang magagalit please?" aniya na magkadikit ang dalawang palad na parang magdadasal. "Kami na."
Ipinaliwanag sa'kin ni Mary Grace na may dalawang buwan na silang nagpapalitan ng email at nag-uusap sa Yahoo messenger. Friends din daw sila sa MySpace at Friendster. Niligawan daw siya nito at ngayon ay sila na. Bigla na lamang akong natawa sa mga rebelasyon niyang iyon.
"T-teka Ma, bakit po kayo tumatawa? Hindi ka po ba magagalit?" kukurap-kurap na tanong ni Mary Grace.
Kinuha ko ang dalawang kamay niya "Nak, nasa tamang edad ka na at matanda na ako. Kung iyong taong pinili mo ay iingatan ka at mamahalin katulad ng pag-aalaga namin sa'yo ng Papa mo, bakit ako magagalit?"
Pinunasan niya ang butil ng luha sa gilid ng kanyang mata at saka tumayo para yakapin ako ng mahigpit. "Thank you Ma!"
Pagkatapos ng masarap naming hapunan ay pinakausap niya sa'kin ang nobyo niyang si Prince. Bumulaga sa computer screen ang isang makisig na binata, ang mga mata nito'y tulad ng kay Ellie. Malapad ang ngiti niya na bumati "Good Evening Tita Madel."
"Good Evening din iho. Mary Grace already told me." sabi ko sakanya ng nakangiti. Napakamot ulo si Prince na tila nahihiya "I have no bad intentions on your daughter and I do hope you accept us." sinserong wika nito sa slang na tono niya.
"Prince iho, you see I am already old and all I want was for my daughter to be happy and be with someone who will stay beside her for the rest of their lives. Someone who can love her the way we loved her. Do you understand?"
"Yes, I understand." sagot ni Prince. "That's what I also want to do for the rest of my life, to love and take good care of her."
Napangiti ako sa sinabing iyon ni Prince. Noon pa man ay magaan na ang loob ko sa batang ito. Bago matapos ang aming pag-uusap ay may naitanong ako "Does your Mom know?"
"Not yet, but I will tell her soon."
"She would be surprised." sabi ko ng nakangiti.
Natawa naman si Prince "Yeah, thats for sure."
Ayaw ko sanang magtanong pang muli pero para bang kusang bumuka ang labi ko "By the way, how's your Mom, Ellie? Can I... Can I talk to her?" may kaba sa dibdib ko na bumaba sa aking tiyan. Marahil dahil sa ngayon ko lang ulit siya makakausap at makikita pagkatapos ng mahabang panahon.
"Oh I'm not with her right now. I'm here in Singapore for my friend's wedding and Mom's in L.A with her partner."
Naglaho ang ngiti ko "Partner?" pag-ulit ko sa sinabi niya.
"I'm sorry, I don't know if you're aware about Mom being... gay?" tila nag aalangan na sabi ni Prince.
"I am, I'm aware and that's fine with me. So when you said partner... you mean..." halos hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil parang may nakabarang mabigat sa dibdib ko.
"Yes, they are couple. Guess I have three moms now. And that includes you." sabay kindat ni Prince.
Pilit akong ngumiti, natameme nalang ako sa'king mga nalaman. Kaya pala ganoon na lamang ang pagiging malamig sa'kin ni Ellie noon sa reunion ay dahil may iba ng nagmamay-ari ng kaniyang puso.
"Wait, let me give you her email." ani Prince na may chinat sa yahoo messenger.
"Thank you iho. Sige na, I will call Mary Grace so you two can talk." paalam ko kay Prince at tinawag ko na si Mary Grace.
Sinabi ko kay Mary Grace na inaantok na ako kaya maaga akong pumasok ng aking silid. Pero ang totoo ay gumugulo sa isip ko ang aking mga nalaman kay Prince tungkol kay Ellie.
May iba na pala siya.
Kusang pumatak ang mga luha sa'king pisngi. Noon ko lang napagtanto na ganito pala kasakit ang naramdaman noon ni Ellie nung naging mag asawa kami ni Miguelito. Tiningnan ko sa aking palad ang piraso ng papel kung saan sinulat ko ang email ni Ellie. Pinunasan ko ang aking luha at isinuot ang salamin ko sa mata. Binuksan ang aking laptop at nagsimulang mag type ng isang liham.
Mahal kong Ellie,
Kamusta ka na? Ang akala ko ay tuluyan na tayong pinaglayo ng tadhana.