Elizabeth Pagkatapos ng meeting ng dalawa ay nagpaalam na sila rito at para mas effective ang eksena nilang dalawa ay sumakay siya sa sasakyan ni Nickolas. Inalalayan siya niya na makasakay at parang may kuryente na dumadaloy sa buong katawan niya nang hawakan nito ang kamay niya. Ayaw niya na makahalata si Roy dahil siguradong lalabas na kahiya hiya siya kaya mas pinaghusayan pa niya ang pag-arte. Ilang sandali lang at narinig na niya ang pagtunog ng makina ng sasakyan ito. "You can just drop me here," sabi niya pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan. Napatingin siya rito ng wala siyang narinig na tugon mula rito. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kalsada. Huminga muna siya ng malalim at saka umayos ng upo. Mukhang wala ito na balak na sundin ang sinabi ni

