Nickolas Pagbaba niya ng sasakyan ay tumingin siya sa relo niya at maaga pa siya ng thirty minutes para sa appointment niya. May meeting siya sa owner ng isang Textile company kung saan sila mag-invest ni Jay. Aside sa sarili nilang Construction firm ay nag-invest din sila sa mga company na nangangailangan. Marami na rin silang company na tulungan na makabangon. It's a win-win situation dahil bukod sa nakatulong sila at the same time ay kumikita sila. Malaki ang potential ng company pero hindi na maganda ang lagay nito dahil sa maraming aspeto. Si Jay talaga dapat ang makipag-usap sa mga ito pero dahil nandito na rin naman siya sa Pilipinas kaya siya na lang. Ilang buwan na rin naman nila iyon pinag-uusapan at kailangan na lang na ma-finalize ang pinasa nito na proposal sa kanila. Kailan

