Elizabeth Halos isang oras na siyang nagaantay sa Restaurant na sinabi ng kliyente niya pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Sa lahat naman ng ayaw niya ay iyong pinaghihintay siya kasi para sa kanya ay mahalaga ang bawat minuto. Tumawag naman ito kanina at sinabi na traffic lang ito which she understand pero it's almost one hour ago kaya naman nagsisimula na siyang mainis. "Dahil anak ng Senador prima donna ang peg." Bulong niya sa sarili at tumingin sa paligid. Mukhang mahihirapan na naman siyang makatulog mamaya dahil nakailang order na siya ng kape. Umorder din siya ng sandwich na hanggang ngayon ay wala pang bawas. Agad na kinuha niya ang phone sa bag ng mag-ring iyon sa pagaakalang mula 'yon sa taong hinihintay niya pero napasimangot siya nang makita ang pangalan ni Maricon s

