"Ano, daks? Nawasak ang pechay mo?" pabulong na tanong ng kaibigan ko na inginuso ang picture namin ni Dexon. "Masakit sobra," maikling sagot ko dahil papalapit sa amin si Cynthia at may dalang tray nang pagkain para sa amin. Natawa ako, naalala ko tuloy ang unang araw na may nangyari sa amin ni Dexon. Kulang na lang ay mawalan ako ng ulirat noon at halos hindi makatayo dahil pakiramdam ko ay na hati sa gitna ang katawan ko. "Salamat, Cynthia," nakangiting sabi ko at sinabing ako na ang bahala sa kaibigan ko at magpahinga na muna siya dahil kanina ko pa sila nakitang abala. "Ang sarap naman ng buhay mo dito babae ka. Parang ayaw ko nang umuwi sa tondo, kunin mo na lang akong alalay." Natawa ako sa sinabi ni Rosemarie. "As if naman na may pampasweldo ako, wala rin akong pera, si De

