Calter NAPAKAGANDA NIYA TALAGA. I couldn't control myself to admire her, especially the first night I saw her again. A lot has changed, but not her eyes as she looks at me. D*mn! Sa kabila ng mga nangyari, alam pa rin ng puso ko kung saan at kanino ito titibok. Hindi biro ang mga pinagdaanan namin. Maraming luhang bumuhos bago dumating ang tagpong ito muli sa amin. I cherish and adore her. Aila completes me. She makes me believe in love. Malinaw na malinaw sa diwa ko na siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Siya ang nais kong maging ina ng mga anak ko. Siya lang. Walang iba. Halos mabaliw ako no'ng gabing maaksidente at mawala siya sa'kin. Akala ko, hindi ko na siya makikita at makakasama ulit. Hindi man nakaligtas ang unang anghel na ipinagkaloob sa amin, nagpap

