Aila "ANONG GINAGAWA KO RITO?" Natahimik ako, saka dahan-dahang napayuko habang nasa harapan nito nang mapagtanto ang aking naitanong sa kanya. Katangahang tanong, Aila . . . Sandali akong napahawak sa 'king sentido. Agad ko rin itong tinanggal. Naiilang man ay muli akong nag-angat nang mukha sa lalaking nasa aking harapan. Ewan ko, pero hindi ko maiwasang makaramdam nang kung ano man, lalo nang magtama ang aming mga mata. Ano ba'ng nangyayari sa g*go na 'to? Hindi ba't galit siya sa akin? Bakit ngayon ay tila sinasaniban naman ito ng espiritung ligaw? Lumunok ako nang makaramdam nang kabigatan mula sa 'king bibig. Hindi ko maipalawanag kung ano ang rason. Gayunpaman ay pinilit kong ibuka ito upang ipahayag ang aking pakay. "Nasa'n ang anak ko?" mariin kong tanong matapos kong bu

