Aila LUMABAS ako ng k'warto matapos kong makaligo at makapag-ayos ng aking sarili. Alas-kwatro na pala ng hapon, hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagsama ng aking pakiramdam mula pa kaninang umaga. Gayunpaman ay hindi iyon naging dahilan upang mawala sa 'king isipan ang pinangako ni Calter kanina bago ito umalis. Tatawag siya. Pero lumipas na ang mga oras, hanggang sa maggagabi na lang ay wala pa rin itong paramdam. Ano na kayang nangyari sa kanya? Sabi niya'y tatawag siya. Pero, baka dahil sa sobrang busy niya ay hindi na ako nito naisip— hindi na niya naalala na naghihintay ako sa ipinangako niya. Huminga ako nang malalim nang makaramdam ng kirot na mula sa 'king dibdib. Kailangan niya ba talagang unahin ang mga bagay na ginagawa niya? Mas importante pa ba 'yon kaysa sa aki

