Aila NAALIMPUNGATAN ako dahil sa matinding lamig na tumatama sa aking balat. Sapo ang aking ulo, umayos ako mula sa aking pagkakahiga. F*ck! Grabe lang, dahil kahit nakadamit at nakakumot ako, 'di ko pa rin maiwasan ang mamaluktot dahil sa sobrang ginaw. Sino ba'ng nagtodo ng aircon? Akala ko tuloy ay nasa refrigerator ako. Ano ako, pork? Napalunok ako nang biglang makaramdam ng hilo nang subukan kong tumayo mula sa katre kung saan ako nakahiga. Anong nangyayari sa 'kin? Bahagya kong ipinilig ang aking ulo nang biglang sumagi sa 'king diwa ang tagpo sa pagitan naming dalawa ni Calter kagabi. Baka kulang lang 'to sa tulog. Grabe naman kasi ang isang 'yon. Buhat nang may mangyari sa amin sa opisina niya kahapon ay hindi na 'ko nito tinigilan. Ang totoo ay umaga na niya 'ko pinatul

