Aila I woke up at 6:00 o'clock in the morning and found myself alone in bed. Ewan ko, pero bigla na lamang akong natigilan nang hindi ko matagpuan ang anak ko sa aking tabi. Mabilis akong tumayo mula sa hinihigaan ko nang agad na makaramdam ng kaba. Sinubukan kong igala ang aking mga mata upang hanapin si Alther. Ngunit, nabigo lamang ako. Nasaan kaya ang anak ko? Huminga ako nang malalim nang maalala si Manang Siling. Oo nga pala, hindi ako dapat na mag-alala, sapagkat isinama ko ito rito upang mabantayan nang mabuti si Alther. Baka lumabas lang ang dalawa, upang paarawan ang anak ko hanggang maaga pa. Napahinto ako sa pag-iisip nang bigla na lamang akong mapahikab. Ewan ko ba, pero kahit tila hinihila pa ako ng higaan ay ayoko nang bumalik sa pagtulog. May kailangan pa akong gawi

