Aila MAAYOS akong nakarating sa lugar kung saan, paulit-ulit kong pinag-isipan ng maigi bago ito puntahan at tapakan. Ang totoo, ay walang madali sa 'king biglaang naging desisyon. Sapagkat, hindi biro para sa isang tulad ko na gawin ang bagay na kailanman ay hindi sumagi sa 'king isipan dahil sa mga nakaraan o pinagdaanan ko. Mahirap. Pero isang bagay, kung bakit nilalakasan ko ang aking loob ay dahil sa anak ko— kay Alther. Ganito pala maging isang ina. Gagawin mo ang lahat, kahit ibaba ang sarili mo, maging maligaya lang siya. Desperada na 'ko. Dahil ayokong kalakihan ng aking anak ang buhay na magulo at tila walang saysay dahil hindi buo ang kanyang pamilya. Oo, kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan niya. Pero hindi ang pagmamahal na maaring magmula sa kanyang ama. Kung maa

